BREAKING NEWS

Villar, Binay, Poe, Angara idineny kickbacks sa DPWH fund

Villar, Binay, Poe, Angara idineny kickbacks sa DPWH fund

PINANININDIGAN ni Senator Mark Villar na malinis ang kanyang record simula magsilbing kinatawan sa Kamara ng Las Piñas City, maitalagang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hanggang ngayon bilang senador.

"I vehemently and categorically deny the accusations made today in the Blue Ribbon Committee. Isa po itong malaking kasinungalingan," pahayag ng senador.

Nanawagan siya sa publiko na maging mapanuri at iwasan ang agad-agad na paghuhusga sa salaysay ng isang tao sa katuwiran niya na maaring ito ay para sa pansariling interes lamang.

Baka Bet Mo: Mark Villar nanawagan ng Unified Flood Control Master Plan

Umalma din si dating Senator at ngayon ay Makati City Mayor Nancy Binay sa pagbanggit sa kanya ni dating Public Works and Highways Usec. Roberto Bernardo sa mga tumatanggap ng "kickbacks."

"Tahimik na po tayong nagtatrabaho bilang Mayor ng Makati, at uulitin ko po: Wala po akong kinalaman, ni anumang papel, sa anumang proyekto sa flood control, at wala po akong empleyado sa senado na kayang gawin ang ibinabato sa akin," sabi pa ni Binay.

Aniya hindi siya magpapa-apekto at patuloy niyang pagsisilbihan ang mga residente ng Makati City.

Madiin naman ang pagtanggi ni dating Sen. Grace Poe sa pagbubunyag ni Bernardo at aniya sinusuportahan niya ang imbestigasyon kayat siya ang unang humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Aniya naalarma siya sa pagbanggit sa kanyang pangalan, sabay giit na hindi siya sangkot sa korapsyon.

Ayon naman kay Education Sec. Sonny Angara sa mahigit dalawang dekada niya sa gobyerno ay kahit minsan ay hindi siya nasangkot sa korapsyon at mga maanomalyang proyekto.

The post Villar, Binay, Poe, Angara idineny kickbacks sa DPWH fund appeared first on Bandera.


Villar, Binay, Poe, Angara idineny kickbacks sa DPWH fund Villar, Binay, Poe, Angara idineny kickbacks sa DPWH fund Reviewed by pinoyako on November 14, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close