BREAKING NEWS

Kilalang mamahayag party-party sa high-end bar kasama DPWH officials na may isyu

Kilalang mamahayag, DPWH officials na sangkot sa isyu party-party sa high-end bar

NAGULAT ang mga nakakita sa kilalang mamahayag na kasama ang mga opisyales ng DPWH na sangkot sa flood control projects sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City (BGC) na nag-iinuman at may mga kasamang girls on the side.

Ang tsika sa amin ng frequent customers ng nasabing high-end bar, "Madalas sila (sangkot sa flood control projects) may mga kasamang kaibigang babae, nagulat kami kasama rin si (mamahayag), close sila, eh. Nag-iinuman masaya sila."

Siyempre, nagulat din kami nang banggitin ang pangalan ng mamahayag dahil kilala naming tirador ito ng mga may ginagawang hindi mabuti sa gobyerno at kahit na ilang beses na ring nakuwestiyon ang kanyang kredibilidad noon dahil sa babae ay marami pa ring naniniwala sa kanya at patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng nakararami kasama na ang pinaglilingkurang istasyon.

At sa kainitan ng flood control projects na sangkot ang mga nakakasama niya sa high-end bar ay gumawa siya ng report, pero inilihis niya ang mga pangalan ng mga ito, bagkus ay ibang mga pangalan ang binanggit niya na mas dapat imbestigahan.

Baka Bet Mo: Daniel nabwisit: Fake lahat ng mga blind items na 'yan!

Kaya nagulantang ang mga nakakaalam sa report ng kilalang mamahayag dahil bakit ibang personalidad ang idinidiin niya gayung mismong mga opisyales ng DPWH ay kainuman niya?

Na-obserbahan pa ng frequent customers ng high-end bar na kapag dumarating na ang grupo ay ramdam nilang ang saya-saya ng mga staff kasi nga malaki raw mag-tip ang mga sangkot sa flood control projects at take note, ang kapal ng nakukuha ng bawat staff na posibleng sweldo nila sa dalawa o tatlong buwan na nakuha lang sa isang gabing tip.

Para sa amin ay tama lang na makatanggap ng malaking tips ang mga staff ng high-end bar dahil galing din mismo ito sa kinita nila na kinaltasan ng tax.

Sa rami ng biktima ng mga nagdaang bagyo sa buong bansa, sana naisip ng mga opisyales ng ahensya ng gobyerno na tulungang makabangon.

The post Kilalang mamahayag party-party sa high-end bar kasama DPWH officials na may isyu appeared first on Bandera.


Kilalang mamahayag party-party sa high-end bar kasama DPWH officials na may isyu Kilalang mamahayag party-party sa high-end bar kasama DPWH officials na may isyu Reviewed by pinoyako on November 15, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close