Herlene Budol payag lumaban uli sa beauty pageant pero may kondisyon

MARAMI ang nagtatanong kay Herlene Budol kung may plano ba siya uling mag-join sa mga beauty pageant, kabilang na riyan ang Miss Universe Philippines.
Kinoronahan si Herlene bilang Miss Philippines Tourism sa Miss Grand International noong July, 2024 at naging first runner-up din sa Binibining Pilipinas 2022.
Kaya naman may mga tagasuporta ang Kapuso actress at TV host kung balak pa ba niyang mag-try uli sa pagrampa sa beauty pageant stage lalo na sa Miss Universe Philippines
Sa podcast na "I-Listen with Kara David," natanong ng veteran broadcast journalist si Herlene tungkol dito o happy na siya ngayon sa kanyang acting career.
"Masaya na po ako sa pag-aartista. Pero siyempre, sumali ako ng pag-pageant po dati, kasi may kapalit na bahay at lupa. Eh, kung may offer ulit na bahay at lupa, eh 'di sasali ulit po ako," pahayag ng dalaga.
Baka Bet Mo: Herlene Budol imbyerna sa ex ni Bea Borres: Kaya kong bugbugin
Maraming natutunang life lesson ang Kapuso actress sa pagiging beauty queen, "Naging mas feminine ako ng little bit. Tapos, marami po ako natutunan.
"Nakapag-inspire po ako ng mga kabataan na akala nila hindi nila kaya, na puwede naman pala, na huwag silang matakot dahil sa wala silang pera. Dahil kagaya ko, may ibang taong tumulong sa akin," aniya pa.
Super thankful din si Herlene sa kanyang former talent manager na si Wilbert Tolentino na siyang tumulong at nag-push sa kanya na sumali sa mga pageant pati na ang pag-arte.
"So, kailangan manalig ka lang din talaga sa kakayanan na meron ka. Kung hindi mo 'yun nakikita sa sarili mo, meron taong tutulong sa iyo para iangat ka. So, Sir Wilbert 'yung sa akin.
"Siyempre, du'n sa isang Will ng buhay ko din, kung hindi naman din dahil sa kaniya, hindi ako makakapasok sa TV.
"Dahil sa ibang tao, kaya ako nandito. Kaya ako may mga trabaho kasi dahil sa mga tao, sumusuporta din sa akin," sabi pa ni Herlene.
Samantala, bumalik daw sa pag-aaral ngayon ang aktres pero ayaw muna niyang magdetalye tungkol dito, secret daw muna ang kinukuha niyang kurso.
"Willing to learn pa rin naman ako, Miss Kara. Hindi ko naman kino-close 'yung door na hanggang dito na lang ako. Nag-aaral pa rin naman po ako. Secret. 'Pag nagka-diploma ako, po-post ko na lang," sey pa niya.
Pinuri naman ni Kara si Herlene sa mga prinsipyo nito sa buhay, "Palaging sinasabi ng mga scholars, 'Salamat sa iyo, Miss Kara,' kasi pinaaral mo kami. Pero ang totoo niyan, kahit na gaano karaming tulong ang ibigay mo sa isang tao, kung 'yung taong 'yun hindi marunong magpursige at hindi marunong magpakalakas, at hindi marunong pahalagahan 'yung tulong na 'yun, wala rin mangyayari eh.
"So, tulong nga lang 'yung binigay ng ibang tao, pero majority nu'n, ng effort nu'n, sa iyo. So you have to give yourself a pat on the back," ani Kara.
Mensahe naman ni Herlene sa lahat, "Huwag mo sayangin 'yung oportunidad na ibinigay sa iyo. Ako, wala akong sinayang. Talagang grinab ko po lahat. Basta alam kong para sa pamilya din, sabi ko, 'Papatulan ko 'to.' 'Pag ako, naging successful talaga, tutulong din ako."
The post Herlene Budol payag lumaban uli sa beauty pageant pero may kondisyon appeared first on Bandera.

No comments: