BREAKING NEWS

Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jilian Ward?

Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jilian Ward?

OFFICIALLY part na ng Sparkle GMA Artist Center ang anak ni "Pambasang Kamao" Manny Pacquiao na si Eman Bacosa Paquiao.

Nitong Miyerkules, November 19, ibinandera ng naturang talent management arm ng Kapuso Network ang pagpasok ng binata bilang isa sa kanilang mga artists.

"Welcome to Sparkle, Eman Bacosa Pacquiao.

"With his charm, discipline, and growing presence, Eman is ready to carve his own path in the industry! We're excited to support his journey and see what's ahead,"saad sa caption ng kanilang post.

Baka Bet Mo: Eman Pacquiao super crush si Jillian Ward, umaming may planong manligaw 

Marami naman ang natuwa sa bagong opportunity na nakamit ni Eman para mas mapabongga ang tatahaking career.

May ilan pa ngang nagsasabing mukhang ito na ang simula ng kanilang pagkikita at pagkakamabutihan ng kanyang celebrity crush na si Jillian Ward dahil nasa iisa na silang network.

Matatandaang inamin ni Eman sa kanyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" na crush niya ang dalaga.

Giit nga ng netizens, kung magkakaroon man daw ng pangatlong "Pinoy Big Brother Collab" sa pagitan ng GMA at ABS-CBN sy dapat ipasok ang dalawa.

"KUNG MAY SEASON 3 MAN ANG PBB COLLAB, PLS IPASOK SYA SA BAHAY NI KUYA. ISAMA NYO NA DIN SI JILLIAN WARD. BAKA SILA PA TATANGGAPIN KO NA MAGKA LOVETEAM SA LOOB NG BAHAY NI KUYA," saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "Wow congrats Eman Sana maka tambal mo si Jilian ward." 

"Dear GMA Sparkle Management, Please give him quality projects! He has a promising opportunities to unfold. Thank you!" sabi naman ng isa.

"Papatok to pag mag loveteam cla ni Jillian, feel ko na yung kilig ni Eman pag makasama na nya sa show c Jillian," hirit pa ng isa.

The post Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jilian Ward? appeared first on Bandera.


Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jilian Ward? Eman Bacosa Pacquiao ganap nang Sparkle artist, mas mapapalapit kay Jilian Ward? Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close