BREAKING NEWS

Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa ‘yo

Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa 'yo

MATAPOS matagpuang patay sa loob ng isang condo, ni-repost ng ilang netizens ang huling mga post ni Ivan Cezar Ronquillo sa social media.

Ngayong araw, November 19, nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng hunk model na sinasabing dating karelasyon ng pumanaw na Vivamax actress na si Gina Lima.

Batay sa naglabasang report, si Ivan umano ang huling nakasama ni Gina sa isang condo unit sa Quezon City na siya ring nagsugod sa ospital sa actress-model noong Linggo, November 16, nang matuklasan niyang wala itong malay.

Ayon kay La Loma Police Station Commander Lt. Col. Jose Luis Aguirre, mabilis na dinala sa ospital si Ronquillo upang i-revive ngunit dineklara itong dead on arrival.

Baka Bet Mo: Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo

Kaninang 12:29 ng madaling-araw, nakapag-post pa si Ronquillo ng video kung saan napapanood ang masasayang alaala nila ni Gina.

Mababasa sa post ng model, "Mahal na mahal kita Gina hinding hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko at hinding hindi ko kaya mabuhay ng wala ka.

"Sobrang sakit na sa tabi pa kita nawala hayaan mo susunod ako sayo at makakasama na kita alam na natin satin dalawa na walang makakapigil sa pagmamahal natin."

Pagsapit ng 12:42 a.m. ay ipinost ni Ronquillo ang dalawang video, isa ay kuha habang nasa loob sila ni Gina ng condo unit, habang ang sumunod ay makikitang  emosyonal na ang binata habang nakahiga si Gina sa isang hospital stretcher.

"Baby ko, baby ko," ang umiiyak na sabi ni Ronquillo sa second video.

Ang caption niya sa post, "Eto na pala yung huling pahinga natin baby dapat sinabi mo mahal na mahal kita sinermonan mo pa ko kay papa kasi di ko binati at panay ka sabi sa papa mo na namimiss mo na siya ngayon. baby susunod ako sayo dyan kung asan ka man."

Ipinost naman ni Ronquillo eksaktong 1:11 ng madaling araw, ang dalawang litrato niya kung saan makikitang tila may mga sugat siya sa pisngi at kamay. May video rin siya sa loob ng sasakyan at makikitang may mga sugat siya pisngi, leeg, kamay, at tila basag na ngipin.

At kasunod nga nito ang balitang natagpuan ang hunk model sa kanyang condo unit.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na autopsy result ang otoridad sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Ronquillo, at kung may  koneksyon nga ba ito sa pagpanaw ni Gina Lima.

The post Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa 'yo appeared first on Bandera.


Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa ‘yo Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa ‘yo Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close