BREAKING NEWS

Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo

Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo
Ivan Cezar Ronquillo at Gina Lima

SA gitna ng imbestigasyon sa pagkamatay ng Vivamax actress-model na si Gina Lima, natagpuan namang wala nang buhay ang ex-partner niyang si Ivan Cezar Ronquillo.

Nadiskubre ang bangkay ng hunk model ngayong araw, November 19, sa loob ng condo unit kung saan din natagpuan ang labi ni Gina ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Batay sa report ng Quezon City Police District, ang bangkay ni Ronquillo  ay natagpuan kaninang umaga lamang.

Ayon kay Lt. Col. Jose Luis Aguirre, station commander ng La Loma Police Station,isinugod agad si Ronquillo  sa Quezon City General Hospital, ngunit nabigo na ang nga doktor na i-revive siya. 

Wala pang inilalabas na detalye ang PNP hinggil sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Ronquillo.

Nauna rito, natagpuan ngang wala nang buhay ang VMX actress na si Gina Lima sa naturang condo noong Linggo ng gabi, November 16.

Sa ulat ng "TV Patrol", si Ronquillo ang nagdala sa kanyang ex-partner sa Quezon City General Hospital, kung saan idineklarang dead on arrival ang aktres.

Ayon sa mga operatiba ng Scene of the Crime Operation (SOCO), wala silang natagpuan sa condo unit ni Ronquillo na magpapatunay na may foul play sa pagkamatay ni Lima.

Sa initial report, ang dahilan umano ng pagkamatay ni Lima ay cardio respiratory distress. 

May mga sugat at galos na nakita sa katawan ni Lima ngunit sabi ng mga imbestigadir, "these are inconclusive" at kailangang sumailalim muna sa autopsy ang bangkay para nalaman ang tunay na "cause of death."

Bago ang pagkamatay nina Lima at Ronquillo, tatlong taon na raw ang nakalilipas mula nang sila'y magkahiwalay.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

The post Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo appeared first on Bandera.


Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo Ex-lover ng pumanaw na Vivamax star na si Gina Lima natagpuang patay sa condo Reviewed by pinoyako on November 18, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close