Eman Pacquiao super crush si Jillian Ward, umaming may planong manligaw

DIRETSAHANG inamin ng anak ni Manny Pacquiao na si Eman Bacosa Pacquiao na super crush niya ang Kapuso star na si Jillian Ward.
Nagpakatotoo si Eman sa pagsagot sa tanong kung sino sa mga female celebrities ang type niya nang bumisita siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" ng GMA 7.
"Jillian Ward," ang agad-agad na sagot ng boxing champ sa question ni Tito Boy kung sino ang crush niyang artistang Pinay.
Sundot na tanong sa kanya, mula 1 to 10, gaano niya kagustong ligawan o pormahan ang Kapuso actress? Sagot ni Eman, "Five."
Kasunod nito, hiningan siya ng mensahe para kay Jillian, "Hi po! Sana magkita po tayo soon."
Inamin din ng anak ng Pambansang Kamao na sa edad niya ngayong 21 ay nakatatlong dyowa na siya, "Not including the flings."
At in fairness, never pa raw nabasted si Eman ng babae. Mas gusto rin niya na siya ang nanliligaw sa gusto niyang girl and not the other way around.
Sa katunayan, umiiwas daw siya kapag may mga babaeng nagpaparamdam sa kanya.
Matatandaang sa panayam ng "Kapuso Mo Jessica Soho" ay masayang ikinuwento ni Eman na kinikilala na siya ngayon ng kanyang amang si Pacman at pumayag na rin itong gamitin niya ang apelyidong Pacquiao.
Si Eman ay anak ni Pacquiao kay Joanna Rose Bacosa, na nagtatrabaho noon bilang waitress nang makikilala ni Manny.
The post Eman Pacquiao super crush si Jillian Ward, umaming may planong manligaw appeared first on Bandera.

No comments: