Ahtisa Manalo pasok sa Top 12 ng Miss Universe 2025, tuloy pa rin ang laban

PASOK pa rin ang bet ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa Top 12 finalist ng Miss Universe 2025 kaya naman tuloy ang ligaya ng mga Pinoy pageant fans.
Kasalukuyang nagaganap ngayon ang 74th Miss Universe competition sa Impact Challenger Hall sa Nonthaburi, Thailand kung saan mula sa 30 semi-finalists ay 12 lamang ang pumasok sa susunod na round.
Isa nga sa kanila ang kokoronahan bilang bagong reyna na siyang papalit sa trono ng reigning queen na si Victoria Kjær Theilvig, ang kauna-unahang Danish Miss Universe.
Pagkatapos magtagisan ng kaseksihan sa swimsuit competition ng Top 30, ang mga napili para sa Top 12 na maglalaban-laban sa next round ay ang mga sumusunod:
1. Chile –Inna Moll
2. Colombia – Vanessa Pulgarin
3. Cuba – Lina Luaces
4. Guadeloupe – Ophéley Mézino
5. Mexico – Fatima Bosch
6. Puerto Rico – Zashely Alicea
7. Venezuela – Stephany Abasali
8. China – Zhao Na
9. Philippines – Ahtisa Manalo
10. Thailand – Veena Praveenar Singh
11. Malta – Julia Ann Clueth
12. Cote D'Ivoire – Olivia Yace
Ang 12 finalist ay muling rarampa sa stage para sa evening gown round at kasunod na nga nito ang pinakaaabangang announcement ng Top 5.
Sila ang sasabak sa Q&A portion na siyang magtutukoy kung sino ang susunod na Miss Universe.
Kapag nakuha ni Ahtisa Manalo ang titulo at korona, siya na ang ikalimang Miss Universe titleholder ng Pilipinas.
Ang apat na Miss Universe ng bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
Sina Dayanara Torres mula Puerto Rico at R'Bonney Gabriel mula sa USA ang commentary hosts sa final competition ng Miss Universe ngayong taon.
Ang American actor at stand-up comedian na si Steve Byrne ang main host ng pageant.
The post Ahtisa Manalo pasok sa Top 12 ng Miss Universe 2025, tuloy pa rin ang laban appeared first on Bandera.

No comments: