Ahtisa Manalo pasok pa rin sa Top 5 ng Miss Universe 2025: Laban Pilipinas!

TULOY-TULOY pa rin ang pagrampa ng pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo matapos itong pumasok sa Top 5 ng ng Miss Universe 2025.
Ang ika-74th edisyon ng naturang beauty pageant ay kasalukuyang ginaganap ngayong araw, November 21, sa Impact Challenger Hall ng Pak Kret, Nonthaburi, Thailand.
Ngayong taon ay 120 contestants ang rumampa sa entablado ng Miss Universe 2025.
Mula sa 120 ay inanunsyo ang Top 30 at kasunod nito ay ang pagbandera ng Top 12.
Baka Bet Mo: Ahtisa Manalo pasok sa Top 12 ng Miss Universe 2025, tuloy pa rin ang laban
Kaya naman labis ang tuwa ng buong Pilipinas dahil pasok pa rin si Ahtisa at konting kembot na lang ay makakamit na nito ang korona.
Narito ang listahan ng Top 5:
Ang mga kandidatang nabanggit ay maglalaban-laban sa question and answer round kung saan pipiliin ang Top 3.
Isa ang Filipino singer na si Louie Heradia sa mga judging panel sa Miss Universe 2025.
Kasama niya sina Miniyothabo Francisca Baloyi, Romero Britto, Ismael Cala, Sharon Fonseca, Natalie Glebova, Andrea Meza, Saina Nehwal, at Chalida Thaochalee.
Ang 74th Miss Universe na may temang "The Power of Love," ay hosted by comedian Steve Byrne. Kasama naman niya bilang commentary hosts sina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel.
The post Ahtisa Manalo pasok pa rin sa Top 5 ng Miss Universe 2025: Laban Pilipinas! appeared first on Bandera.

No comments: