BREAKING NEWS

Miss Universe 2025 Top 30 bumandera na; Ahtisa Manalo pasok sa next round!

Miss Universe 2025 Top 30 bumandera na; Ahtisa Manalo pasok sa next round!
Ahtisa Manalo

MULA sa mahigit 100 candidate, 30 lamang ang pinili para maglaban-laban sa grand coronation night ng Miss Universe 2025 pageant.

Ginaganap ngayon ang 74th Miss Universe competition sa Impact Challenger Hall sa Nonthaburi, Thailand hosted by American actor and stand-up comedian Steve Byrne.

Pasok sa Top 30 qualifiers ang bet ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo na sasabak sa next round ng kumpetisyon kaya naman siguradong nagbubunyi na ang mga Pinoy pageant fans.

Ang napiling Top 30 ay sasabak agad sa swimsuit competition at pagkatapos nito ay ang announcement na ng Top 12.

Narito ang kumpletong listahan ng Top 30 candidate:

India 

Guadeloupe

China

Thailand 

Dominican Republic

Brazil

Rwanda

Cote d'Ivoire

Colombia

Netherlands

Cuba

Bangladesh

Japan

Puerto Rico

USA

Mexico

Philippines

Zimbabwe

Costa Rica

Malta

Chile

Canada

Latina

Croatia

Venezuela

Guatemala

Palestine

Nicaragua

France

Paraguay

Samantala, ang Top 12 finalist ay muling rarampa sa stage para sa evening gown round at kasunod na nga nito ang pinakaaabangang announcement ng Top 5. 

Sila ang sasabak sa Q&A portion  na siyang magtutukoy kung sino ang susunod na Miss Universe.

Kapag nakuha ni Ahtisa Manalo ang titulo at korona, siya na ang ikalimang Miss Universe titleholder ng Pilipinas.

Ang apat na Miss Universe ng bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973),  Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).

Sina Dayanara Torres mula Puerto Rico at R'Bonney Gabriel mula sa USA ang commentary hosts sa final competition ng Miss Universe ngayong taon. 

The post Miss Universe 2025 Top 30 bumandera na; Ahtisa Manalo pasok sa next round! appeared first on Bandera.


Miss Universe 2025 Top 30 bumandera na; Ahtisa Manalo pasok sa next round! Miss Universe 2025 Top 30 bumandera na; Ahtisa Manalo pasok sa next round! Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close