BREAKING NEWS

Kaanak ni Gretchen Ho hindi pinayagang magpapalit ng pera sa Norway, anyare?

Kaanak ni Gretchen Ho hindi pinayagang magpapalit ng pera sa Norway, anyare?

ANG saklap ng nangyari sa isang kapamilya ng TV host na si Gretchen Ho nang magpapalit ng pera sa Oslo, Norway.

Agad-agad daw na tinanggihan ng isang foreign exchange counter sa Oslo ang kaanak ni Gretchen dahil daw sa nangyayaring malawakang korapsyon sa Pilipinas.

Sa X post ng dating volleyball superstar, ibinahagi niya ang nakakalokang karanasan ng kanyang kamag-anak na talagang ikinadismaya nilang magkakapamilya.

"One of our family members traveling abroad got denied at the foreign exchange counter at the Gardermoen Airport in Oslo, Norway.

Baka Bet Mo: Gretchen Ho tinawag na 'bias', may kwelang bwelta

"Lady at the counter goes — 'You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines,'" bahagi ng post ni Gretchen.

Aniya pa, "This family member (along with a group of friends) told me they were asked to exchange their money elsewhere but not at the airport. 

"Family member was just trying to exchange 300 USD," lahad pa niya.

Tanong tuloy ng TV host sa mga kinauukulan, ano nga ba ang dapat gawin ng mga Pilipino na nasa ibang bansa sa ganitong sitwasyon.

"Terrible. What are we going to do about this, Pilipinas? Sending a report to the Philippine Ambassador to Norway," pahayag pa ni Gretchen.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Norway hinggil sa naturang insidente.

The post Kaanak ni Gretchen Ho hindi pinayagang magpapalit ng pera sa Norway, anyare? appeared first on Bandera.


Kaanak ni Gretchen Ho hindi pinayagang magpapalit ng pera sa Norway, anyare? Kaanak ni Gretchen Ho hindi pinayagang magpapalit ng pera sa Norway, anyare? Reviewed by pinoyako on October 06, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close