BREAKING NEWS

'BAGETS' Actor-Director Ricky Rivero, pumanaw na sa edad na 51


Sumakabilang-buhay ang aktor at direktor na si Ricky Rivero ngayong araw ng Linggo. Sa Facebook post, sinabi ng partner ni Ricky, gamit ang account, na yumao na ang actor-director ilang buwan matapos itong ma-stroke. 

"Good morning po inyong lahat maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po," bahagi ng kanyang Facebook post. 


"Salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko." Nakiramay din sa pamilya ng aktor ang ilan niyang kasamahan sa showbiz, kabilang si Herbert Bautista na nakasama niya sa pelikulang "Bagets 2."

 “Malungkot na araw dahil sa pag-panaw ng isang kaibigan at kasamahan sa pelikula at telebisyon. Paalam, Ricky. Nakikiramay ang aming pamilya sa Salvador at Rivero Families,” ani Herbert Bautista

 Dati ring miyembro ng youth-oriented show na "That's Entertainment" si Ricky, na kabilang sa Salvador clan sa show biz. Siya ay pamangkin ni Phillip Salvador. Rest in Peace Ricky Rivero.

Source: Noypi Ako
'BAGETS' Actor-Director Ricky Rivero, pumanaw na sa edad na 51 'BAGETS' Actor-Director Ricky Rivero, pumanaw na sa edad na 51 Reviewed by pinoyako on July 16, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close