BREAKING NEWS

Anak ng Padyak Rider, Proud sa Ama; Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude

 



Isang estudyante sa Albay ang nagtapos sa kolehiyo bilang cum laude. Ipinagmalaki sa social media ng 22 anyos na si Erica Cid ng Malinao, Albay ang kanyang mga magulang na naging susi umano ng kanyang tagumpay para makapagtapos ng pag aaral sa kolehiyo. Nagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Social Work sa Bicol University si Cid nitong Hulyo 14.



Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Cid ang sakripisyo ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ama na mahigit dalawang dekada ring kumayod bilang pedicab driver para sa sa kanilang pag-aaral na apat na magkakapatid. Walang trabaho ang kanyang ina pero minsan na ring namasukan bilang katulong.

"Dai ko pigkakasupog ang trabaho kan ama ko ta aram ko ang pagal asin sakripisyo ni papa sa pagpadyak, iyo ang nagpapaadal samuyang apat na magturugang."





"Hindi ko ikinakahiya ang trabaho ng tatay ko dahil alam ko ang pagod at sakripisyo ni papa sa pagpadyak, siya ang nagpapa-aral sa aming apat na magkakapatid", ayon sa kanyang facebook post.
Sa ngayon, tatlo na silang magkakapatid na nakapagtapos ng pag-aaral.



Ayon kay Cid, siya naman ang magtatrabaho para sa kanyang mga magulang. Nais niya umanong suklian ang lahat ng pagmamahal, sakripisyo at lahat ng hirap na pinagdaanan ng mga ito para lang makapagtapos sila ng pag-aaral.

Source: Noypi Ako
Anak ng Padyak Rider, Proud sa Ama; Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude Anak ng Padyak Rider, Proud sa Ama; Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude Reviewed by pinoyako on July 15, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close