BREAKING NEWS

Pinoy mangingisda Roland Abante napa-bilib at napa-standing ovation ang judges at audiences ng Americas Got Talent




“This is my big dream.”

Nakatanggap ng standing ovation ang proud Pilipinong mangingisda na si Rolando Abante mula sa mga judges at audience ng America’s Got Talent (AGT), matapos niyang ipamalas ang kaniyang ginintuang boses nang siya ay mag-audition at umawit siya sa nasabing show kamakailan lamang.

Bago niya awitin ang kaniyang audition piece na “When A Man Loves A Man”, ininterview muna si Abante ng mga judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Howie Mandel, at Sofia Vergara tungkol sa kaniyang buhay.



Kuwento ni Abante, isa siyang mangingisda sa umaga at driver naman ng habal-habal sa tanghali. Umaawit daw siya sa videoke ng kaniyang mga kapit-bahay.

Nang tanungin naman kung bakit siya sumali sa AGT, naging emosyunal si Abante at sinabing napapanood lamang niya ang programa sa kaniyang cellphone at nangarap na sana isang araw ay makasali rin siya doon.


“This is my big dream,” saad pa ng Cebuano mang-aawit.


Nang kumanta na si Abante, doon na nagpalakpakan ang mga judge at audience sa galing at ganda ng boses nito.

“I don’t think you could have done it better. Mic drop. You left it all on that stage, you were amazing. You should be very proud of yourself,” komento ni Heidi.

“I have a feeling you’re gonna stop fishing because this is where you needed to be,” saad naman ni Sofia.

Maganda rin ang naging komento ni Simon na siyang favorite judge daw ni Abante.


“You were so nervous, I genuinely thought for one moment you were not able to get to do this. And then, that happened. It made me like this audition even more. And it actually made me love this audition even more. And I really like you. That was a great audition. Really brilliant,” ani Simon na sinegundahan naman ni Howie.

“I think Simon is absolutely really right. It’s the emotion and we could feel your heart. And I think everybody just heard a life-changing moment,” saad ni Howie.

Matapos ang magagandang komento ng mga judge, isa-isa na silang bumoto at doon na nakatanggap ng apat na “yes” si Abante.

-Balita

Source: Noypi Ako
Pinoy mangingisda Roland Abante napa-bilib at napa-standing ovation ang judges at audiences ng Americas Got Talent Pinoy mangingisda Roland Abante napa-bilib at napa-standing ovation ang judges at audiences ng Americas Got Talent Reviewed by pinoyako on June 16, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close