Online lending app, nagpapadala ng bulaklak ng patay at kabaong kapag na delay ang bayad
Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang isang online lending application na nagpapadala ng mga bulaklak o korona ng patay at kabaong sa mga umuutang sa kanila na hindi kaagad nakakapagbayad sa itinakdang araw.
Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, inireklamo ng isang babae ang kaniyang inutangang lending application matapos siyang padalhan bg korona ng patay sa kanilang bahay, itinago ang katauhan ng ngareklamong babae.
Ayon din sa babae, labis-labis na eskandalo at pamamahiya ang ginawa ng lending app na ito, na sobtang nakaapekto sa kaniyang pamilya.
“Talagang hindi ko na alam ang gagawin ko sobrang pinahiya ako sa amin. Hindi ko alam na ganiyan ang mangyayari sa buhay ko,” salaysay ng babae.
₱5k daw ang inutang niya sa online lending app, pero ₱2,400 lamang ang nakuha niya dahil sa dami ng ikinaltas dito.
Sa unang beses na hindi raw siya nakapagbayad agad, inalok siya ng lender ng isang linggong extension, ngunit papatungan ito ng ₱2k kaya hindi siya pumayag.
“Sige ha, ganiyan ang tigas ng mukha mo. Sige hintayin mo papadala ko sa’yo,” banta raw ng lender sa kaniya.
“Napahiya po talaga ako. Parang kinikilabutan, hindi ko alam ang gagawin ko umiyak na lang ako. Pinagsisigawan pa kami through cellphone…”
Sinabi pa raw sa kaniya na kung hindi pa siya magbabayad ay isusunod nang ipadala sa kaniya ang kabaong.
Isa pang netizen na nangutang ang nagrekreklamo, dahil mismong kabaong na raw ang ipinadala sa kaniya ng lending company na nakita niya lamang online. Tumanggi umanong makipanayam ang naturang nagreklamo.
Hinikayat naman ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko na huwag mahihiyang dumulog at magreklamo sa kanila kung sakaling maka-engkuwentro ng ganitong pagbabanta mula sa mga online lending apps, o maging sa iba pang nagpapautang.
Source: Noypi Ako
Online lending app, nagpapadala ng bulaklak ng patay at kabaong kapag na delay ang bayad
Reviewed by pinoyako
on
June 10, 2023
Rating:
No comments: