BREAKING NEWS

Watch! Dumbo Naging emosyonal ng makita ang kanyang Anak'



 Naging emosyonal si Dumbo, ang audience coordinator ng noontime show na It's Showtime, nang muling mahawakan at makita ang anak.

Sa Instagram, ipinost ni Dumbo ang video ng anak na nakadapa sa kanya.

Caption niya: "Yung sobra mong miss yong anak mo at nahawakan mo cya sa unang pagkakataon , Kahit gaano ka sakit at kirot ang nararamdaman mo, nawala lahat yun nong naka dapa siya sa dibdib ko."


Humingi rin siya ng paumanhin sa anak sa tagal nila na hindi pagkikita.


"I'm sorry anak matagal tayo hindi nagkita. Nagpapagaling lang si daddy sa hospital. Feeling ko napakatagal na panahon na hindi kita nakita anak. Sobrang miss na miss kita anak ko," dagdag niya.

Matatandaan na naospital si Dumbo, Ervin Plaza sa totoong buhay, makaraang maaksidente sa motor habang pauwi mula sa trabaho dalawang linggo na ang nakararaan.


Source: Noypi Ako
Watch! Dumbo Naging emosyonal ng makita ang kanyang Anak' Watch! Dumbo Naging emosyonal ng makita ang kanyang Anak' Reviewed by pinoyako on April 15, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close