BREAKING NEWS

Gardo Versoza, Dinala sa Ospital matapos Atakihin sa Puso


Isinugod sa ospital si Gardo Versoza matapos atakihin sa puso dahil sa dalawang ugat nito sa puso ang nagbara.

Ayon sa asawa ni Gardo na si Ivy Vicencio, nanakit na umano ang likod ng aktok ngunit hindi agad ito nagpadala sa ospital dahil inaalala ng aktor ang kanyang taping sa susunod na araw.


Napilit din si Gardo Versoza na dalhin sa Cardinal Santos Hospital at napag-alaman na nabarahan na pala ito ng ugat sa puso.

Sumailalim agad ang aktor sa Angioplasty dahil dalawang ugat nito sa puso ang barado na naging dahilan kaya siya inatake.

Maraming nagulat sa nangyari kay Gardo dahil physically fit ito, laging nagba-bike at malakas ang pangangatawan.


Nagpapasalamat naman si Gardo Versoza sa mga Doktor na umasikaso sa kanya nang atakihin siya sa puso.

Makikita sa larawan na magkasama sila ng kanyang asawa at mukhang ayos na ang kalagayan ng aktor.

Source: Noypi Ako
Gardo Versoza, Dinala sa Ospital matapos Atakihin sa Puso Gardo Versoza, Dinala sa Ospital matapos Atakihin sa Puso Reviewed by pinoyako on March 30, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close