BREAKING NEWS

Imahen ng Birhen, Lumitaw Umano sa Bunga ng Mais; Diumano'y Nagmimilagro sa Iligan City!



Viral sa social media ang diumo'y imahen ng Birhen na lumitaw sa bunga ng mais sa Iligan City. Ito ay dinadayo at dinadasalan ng mga debotong naniniwala na nagmilagro ang imahen ng Birhen na ito. Makikita ang pagdarasal ng mga deboto sa maliit na kapilya kung saan naroon ang "Birhen sa mais."



Si Nanay barita ang nakapansin noon ng bunga ng mais at siya rin ang dating tagapangalaga nito ngunit nang siya ay pumanaw ay si Virginia na ang tumatayong tagapangalaga sa diumano'y imahen ng birhen.

Agosto 1, 2001 umano nang mag-ani ng mais si Nanay Barita ayon kay Virginia. Nang buksan niya ito, nakita niya ang tila nakaukit na imahen ng Birheng Maria sa mais. Dahil dito, pinapaniwalaan nilang malaki ang tulong ang naibibigay ng "Birhen ng mais" sa mga deboto.




Ayon kay Eden Barita, isa sa mga naniniwala, may mga tao na ring hindi maganda ang intensyon umano at nagtangkang kunin ang Birhen sa mais.

Nanghihingi sila dito kay nanay ng mga butil ng mais at sinasama nila ito sa kanilang mga binhi. Sa mga magsasaka, ang kanilang mga ani ay maganda talaga ang tubo at malalaki ang mga produktong napo-produce at naha-harvest ng mga magsasaka," ani ni Michelle Malasado.

"Ang hitsura sa mais, lumalaki siya tapos hindi nabubulok. Noon 'pag naubusan siya ng buhok, tumutubo," ani naman ni Virginia.

Ayon naman sa science crop expert na si Dr. Lolita Beato, posibleng gawa ng mga tao ang nangyari dahil sa diumanong paglitaw ng Birhen sa mais. "Posible na 'yung nangyari sa corn na meron kayo diyan ay it is being manipulated by human factors," sabi ni Dr. Beato.



"Ang paglaki ng corn, that is by nature. Wala tayong variety ng mais na may birhen. Merong mais na lumaki kasi meron na siyang sakit. Ito namang grain crops na ito ay masisira. Nabubulok din 'yan kahit ano pang pagkakatubo niyan," ani Dr. Beato.

"Kaya siguro napakita ang birhen sa mais para naman ang tao sumipag silang magtanim. 'Yung mga tao nakalimot na sa kaniya, para magbalik sila sa pagdasal," para naman kay Virginia.

Ayon naman sa Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Secillano, kailangan pa ng pagsusuri ng mga pari at mga eksperto sa siyensiya at medisina.

"Ang pagpapalakas naman sa pananampalataya natin ay hindi nakadepende sa mga milagro. Sapat nang malaman natin na may Diyos, sapat nang malaman natin na meron tayong tagapagligtas," sabi ni Fr. Secillano.

Source: Noypi Ako
Imahen ng Birhen, Lumitaw Umano sa Bunga ng Mais; Diumano'y Nagmimilagro sa Iligan City! Imahen ng Birhen, Lumitaw Umano sa Bunga ng Mais; Diumano'y Nagmimilagro sa Iligan City! Reviewed by pinoyako on November 10, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close