BREAKING NEWS

Mahigit P236 Milyong Papremyo sa Lotto, 433 ang Winners | Ilan sa Nanalo Kinuha na ang Premyo sa PCSO !



Naging kontrobersyal ngayon ang labas na mga numero at mga nanalo sa lottery game ng PCSO (Philippine Charity Sweeptakes Office). Nang maianunsyo na ang mga numero noong Sabado, 9 pm, ay nagkaroon ng 433 winners ang Grand Lotto 6/55, na may pa premyong P236,091,188.40 pesos.

Ang mga swerteng numero na lumabasay 09-45-36-27-18-54.


Marami ang hindi makapaniwala sa lumabas na numero at sa daang daang nanalo ng jackpot price.

Sinabi ng Chairman ng PCSO na si Junie Cua, na napaka rare daw ng case na ito, at posible talagang mangyari ang mga ganitong bagay sa laro, dahil ang lotto raw ay isang "game of chance".


Wala rin daw pandaraya sa nasabing game dahil ino audit daw ito, tinitignan at tsini tsek mabuti para sa kasiguraduhan at hindi masira ang tiwala ng mga tao.


Samantala, dumating na sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) main office sa Mandaluyong City ang ilan sa 433 na nanalo sa katatapos na 6/55 Grand Lotto draw para i-claim ang kanilang cash prize ngayong Lunes.


"Nagpapasalamat po ako sa PCSO na marami kaming nabibiyayaan ng Jackpot Prize. Nagbiyahe po ako ng sampung oras upang makarating dito at makuha ang aking napanalunan. Tumataya po talaga ako ng pattern 9, pattern 8, pattern 7 at pattern 6 sa loob ng maraming taon at ako'y nagpapasalamat na ngayon ay napanalunan ko na." - ayon sa isa sa 433 na nanalo.


Inilabas din ng PCSO ang listahan ng mga nanalo sa iba't ibang probinsya ng bansa. Ipinakita rin ng mga winners ang kanilang mga ticket na katunayan na marami silang tumaya sa parehong numero.


Ang bawat nanalong taya ay inaasahang mag-uuwi ng P545,245 pesos, mula sa P236,091,188.40 pesos na jackpot prize.

Mayroon ding 331 na nanalo sa second prize na nagkakahalaga ng P100,000 pesos at 2,491 third prize P1,500 pesos.

Source: Noypi Ako
Mahigit P236 Milyong Papremyo sa Lotto, 433 ang Winners | Ilan sa Nanalo Kinuha na ang Premyo sa PCSO ! Mahigit P236 Milyong Papremyo sa Lotto, 433 ang Winners | Ilan sa Nanalo Kinuha na ang Premyo sa PCSO ! Reviewed by pinoyako on October 03, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close