BREAKING NEWS

Angelica Panganiban, Masayang Ibinahagi na Siya ay Nagdadalang-tao Na!

Inanusnyo na ni Angelica Panganiban ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Inanunsyo ni Panganiban ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan nila ni Gregg Homan sa isang beach gayundin ang sonogram ng kanyang baby, sa pamamagitan ng kanyang Instagram page nitong Marso 20.


"Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko," ani ni Angelica. "Magiging ganap na INA na po ako," dagdag pa niya.

"Opo, may matres ako mga baklaaah," pagbibiro pa ng aktres.

Nagpasalamat din asi Angeliaca sa kanyang pamilya, kaibigan, at maging sa mga tsismosa, sa pagdarasal para sa kanya at pagsuporta sa kanya.






Nakatanggap si Panganiban ng congratulatory messages mula sa kapwa celebrities kabilang sina Marian Rivera, Vhong Navarro at Janine Gutierrez. Ipinadala rin nina Maxene Magalona at Kim Chiu ang kanilang well-wishes sa Panganiban.

"I LOVE YOU SIZZZY . Deserve mo ang lahat ng kaligayahan sa Uniberso! Congratulations sa inyo ni [Gregg Homan]" ani ni Maxene Magalona.

"[Ay naku]!!!!! Sa wakas lumabas na ang sikreto!!!! Super happy for you momsy!!!! Mahal na mahal kita! You deserve every blessing na natatanggap mo ngayon," komento ni Chiu.

Ibinunyag ni Panganiban ang kanyang relasyon kay Gregg Homan noong Bagong Taon ng 2021. Ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang unang anibersaryo noong Hulyo, noong nakaraang taon din.


Source: Noypi Ako
Angelica Panganiban, Masayang Ibinahagi na Siya ay Nagdadalang-tao Na! Angelica Panganiban, Masayang Ibinahagi na Siya ay Nagdadalang-tao Na! Reviewed by pinoyako on March 20, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close