BREAKING NEWS

Mag-asawang Na-scåm sa Kanilang Kasal, Pinatawad na ang Kanilang Wedding Coordinator!




Nag-viral sa social media ang video ng isang bride na napaupo at napaiyak sa araw ng kanyang kasal. Nang makarating sila sa dapat sana'y reception nila ay wala silang naabutang handa at wala ring naka-book na event sa venue. Dahil dito, nakarating ang balita kay Idol Raffy na siyang tumulong para masampahan ng kas0 ang scåmmer wedding coordinator na si Nasser Fuentes.




Matapos ang araw ng kanilang kasal noong Setyembre 22 ay nadakïp rin kinabukasan si Nasser ng mga awtoridad. Laking pasasalamat naman ng mag-asawa kay Idol Raffy sa pagtulong nito sa kanila na makuha ang hustisyå. Sinagot din ni Idol Raffy ang honeymoon ng mag-asawa at bukod pa rito ay binayaran pa ni Idol Raffy ang mga kakulangan at mga hindi pa nabayaran ng mag-asawa dahil binulsa ni Nasser ang ibinayad nilang Php 65,000.





Sa kabilang banda naman ay natupad na rin ang kanilang dream reception sa tulong ng 93.9 i-FM at Radio dyHP at sa tulong ng mga local wedding suppliers at sponsors. Masayang masaya ang mag-asawa dahil sa kabila ng nangyari sa araw ng kanilang kasal ay natupad pa rin ang pinapangarap nilang reception.




Sa katunayan ay nag-offer pa si Neri Miranda, asawa ni Chito Miranda, na sasagutin na niya ang reception nina Cherry Pie at Arniel.

Napatawad na rin umano ng mag-asawa ang nang-scåm na wedding coordinator nila dahil na rin sa mga biyayang nangyari sa kanila matapos ng kanilang kasal.



Source: Noypi Ako
Mag-asawang Na-scåm sa Kanilang Kasal, Pinatawad na ang Kanilang Wedding Coordinator! Mag-asawang Na-scåm sa Kanilang Kasal, Pinatawad na ang Kanilang Wedding Coordinator! Reviewed by pinoyako on September 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close