BREAKING NEWS

Watch | Viral na Pulubi Noon na si Berta, Nagtatrabaho Bilang Admin Staff na Ngayon sa Rehabilitation Center na Tumulong sa Kanya!




Marami ang napapaisip kung ano nga ba ang kuwento sa buhay ng nag-viral na pulubi noon na kilala bilang "Berta". Sa kanyang 'english speaking' at mga pang-drama na linyahan ay naaaliw ang mga tao sa kanya, ngunit marami ang hindi mapigilan na mapaisip kung ano ba talaga ang nangyari kay Berta noon. Kilala si Berta sa pagpapatawa, at hindi lamang iyon, dahil kung mapapansin ay mayroon siyang mabuting pusô kahit na pinagtatawanan siya ng maraming tao.




"Life is wonderful, life is precious and life is powerful," linya na kanyang sinambit sa isang viral video niya.

Naging palaboy si Berta ng mahigit 20-taon sa Cebu. May taong tumulong at umagapay sa kanya para dalhin siya sa Safeheaven Addïction Treatment and Recovery Village. Si Anton ay isang vlogger na walang ibang hinangad kung hindi matulungan si Berta na magkaroon muli ng normal na pamumuhay.





Kamakailan lamang na ma-feature si Berta sa Kapuso Mô, Jessica Soho. Ibinahagi doon kung paano siya napunta sa Safeheaven. Humingi rin siya ng kahilingan na sana ay makita niya muli ang kanyang kapatid. Masaya naman si Berta nang magkita muli sila ng kanyang kapatid na babae.




Sa isang facebook post naman ng Safeheaven ay ibinahagi nila kung paano naka-recover si Berta. Sa ngayon ay isa na siyang ganap na Admin Staff at masayang nagtatrabaho sa lugar kung saan siya binigyan muli ng pag-asa sa buhay.



Source: Noypi Ako
Watch | Viral na Pulubi Noon na si Berta, Nagtatrabaho Bilang Admin Staff na Ngayon sa Rehabilitation Center na Tumulong sa Kanya! Watch | Viral na Pulubi Noon na si Berta, Nagtatrabaho Bilang Admin Staff na Ngayon sa Rehabilitation Center na Tumulong sa Kanya! Reviewed by pinoyako on August 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close