BREAKING NEWS

Kuya Wil, Posible Umanong Tumakbo sa Darating na Elekesyon 2022: "Hindi ako kengkoy sa Senado."



Ayon sa video na inupload ng Wowowin Youtube Channel sa programang "Wowowin-Tutok To Win" nitong Miyerkules, ay sinabi ng TV Host na si Willie Revillame na mayroon siyang malaking ihahayag sa unang linggo ng Agosto. "Sa August mayroon akong malaking announcement sa inyong lahat," saad niya. "Ito po desisyon sa buhay para sa akin ito at para sa ating lahat. Sana po ay maintindihan niyo."




Walang direktang pahayag ang TV Host tungkol sa kanyang posibleng pagtakbo nito bilang sendor. Ngunit tiniyak naman ni Kuya Wil na hindi siya magiging "kengkoy" at hinding hindi magnanåkaw sa pera ng bayan.

"Huwag kayong mag-alala hindi ako kengkoy sa Senado. Hindi kami magkekengkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutöm. Hindi po magpapatawa doon," pagpapaliwanag niya.




Sa nakaraang resulta ng survey ng Pulse Asia para sa mga posibleng tumakbong senador sa darating na halalan, nasa-pang siyam ang kaniyang pangalan sa mga napupusuan ng mga respondent na iboboto. Ginawa ang survey ng Pulse Asia noong Hunyo 7 hanggang 16, 2021.

"Hintayin niyo desisyon ko, 'wag niyo 'kong pangunahan. Ako ang nakakaalam kung ano ang gusto kong gawin," sabi ni Willie sa mga nagsasabing tatakbo siyang senador.

"At kung ano man ang tatahakin ko, maniwala kayo sa akin, wala akong gagawing kawalangyaan sa inyo. Dahil wala sa isipan ko 'yan. Kontento na 'ko kung anong mayroon ako at masaya ako na magpasaya sa inyo," pahayag niya.




Hindi umano din dapat na maliitin at låit-låitin ang mga artistang pumapasok sa pulitika dahil nasa tao lamang ang desisyon kung nais niyang magnakaw o gumawa ng masama sa kapwa.

Ginawang halimbawa ni Kuya Wil ang isang Mangyan na tinutulungan niyang magtrabaho sa ipinagawa nitong resort sa Puerto Galera. Ayon sa kanyang kwento, sobra umano ng P1,000 ang natanggap na sahod ng Mangyan ngunit kahit hindi nakapag-aral ay pinili pa rin ng Mangyan na bumaba ng bundok para isauli ang sobrang P1,000.




"Nasa tao 'yan, nasa kabutihan ng kalooban yan. Kahit nakapagtapos ka kung masama naman ang iniisip mo, nasa isip mo magnakaw, lokohin mo kapuwa mo, hindi ba?" paliwanag niya.

"So kahit isang basurero ka lang kung ang iyong damdamin eh malinis, yung ang pinakaimportante," patuloy niya."





Source: Noypi Ako
Kuya Wil, Posible Umanong Tumakbo sa Darating na Elekesyon 2022: "Hindi ako kengkoy sa Senado." Kuya Wil, Posible Umanong Tumakbo sa Darating na Elekesyon 2022: "Hindi ako kengkoy sa Senado." Reviewed by pinoyako on July 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close