BREAKING NEWS

111-Anyos na Lola, Hindi Pa Rin Natatanggap ang Cash Gift na Php100k; Apo, Humihingi ng Tulong!



Humihingi ng tulong ang apo ng isang centenarian dahil hindi pa umano natatanggap ng kanyang lola ang cash gift na nagkakahalaga ng Php100,000. Dahil ayon sa Republc Act. 10898, ang sinomang Pilipino na aabot sa edad na isang daang taon ay makakatanggap ng cash gift na may halagang Php100,000. Si Lola Juana Pulga ay isa lamang sa mga centenarian na hindi pa rin nakakatanggap ng nasabing cash gift.


Ayon sa post ni Kathlyn Acudesin, ang kanyang Lola ay umabot na ng 111-anyos nitong Mayo 20 ngunit hindi pa din natatanggap ang cash gift.

Nakatira umano si Lola Juana sa San Jose Del Monte, Bulacan at nasa pamamalagi siya ng kanyang anak na si Danilo Pulga. Humihingi ng tulong ang pamilya ni Lola Juana na sana ay mtanggap na nito ang benepisyo na dapat ay nakuha na nito noon pa.


Narito ang naturang post ni Kathlyn:

"Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN. Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021.


"Kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po Contact Number: 09530663160 Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po"


Source: Noypi Ako
111-Anyos na Lola, Hindi Pa Rin Natatanggap ang Cash Gift na Php100k; Apo, Humihingi ng Tulong! 111-Anyos na Lola, Hindi Pa Rin Natatanggap ang Cash Gift na Php100k; Apo, Humihingi ng Tulong! Reviewed by pinoyako on July 31, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close