BREAKING NEWS

Proud Lola, Isinabit ang Tarpaulin ng Apo na Pumasang Engineer sa Kanilang Tagpi-Tagping Bahay!



Isang facebook post ang nag-viral kamakailan matapos na ibahagi ni Crystalle Mae Manalo ang larawan ng kanyang tarpaulin na naksabit sa kanilang 'tagpi-tagping' bahay. Makikita sa tarpaulin ang pagbati kay Crystalle matapos na maipasa ang Licensure Exam sa kurso niyang Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Siya ay nakapagtapos sa Colegio De San Juan De Letran Calamba at gumraduate na may Academic Excellence Award.


Ito ay bunga ng kanyang pagsisikap na makatapos sa pag-aaral at upang makabawi sa sakripisyo na binigay sa kanya ng kanyang pamilya.

Nagsilbing inspirasyon ito sa karamihan lalo na at nakatira sila sa tagpi-tagping bahay. Bagamat nakatira sa barung-barong, ipinagmalaki ito ng kanyang lola na proud na proud sa kanya. Sa post na ibinahagi ni Crystalle ay ipinahag nito ang naging pag-uusap nilang mag-lola.


"Nanay: okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpulin mo? makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?
Me: Nay yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat Nay... sa lahat"

Nagbigay din ng mensahe ang lola ni Crystalle na si Lola Gloria sa kanyang facebook account:

"Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman na iyong apo isa sa mga pumasa sa board exam. Naiisip ko iyong mga nangyari sa buhay namin dalawa na tuwing byaran sa school wala kaming pambayad, puro paki-usap na lng. Eto na ngayon puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya iyong maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko"


Katulad ni Lola Gloria ay proud na proud din ang kanyang tito na si Nowie Cruz Manalo sa kanyang komento:

"Congratulations pamangkin. Pinagmamalaki ka namin lahat. Kami ay proud na proud syo, bilib na bilib kami sa 'yo dahil pinakita mo kung gaanu ka tiyaga at kasipag para maabot ang mga pangarap mo di lang sa 'yo kung di sa pamilya mo na maiahon sa hirap.

"Di biro ang mga pinagdaanan mo makatapos lang sa pag aaral. Yun nagtitinda ka sa school ng biscuit candy at ng sari sari para lang may maibaon sa araw araw. Pinagsasabay mo ang paghahanap buhay at pag aaral. Ganun pa man nagawa mo pa rin panatilihin mataas ang grade mo at kaya naman pinagmamalaki ka rin ng mga teacher at ng school mo.


"Kaya marami din mga mag aaral na nagpapasalamat sa ‘yo dahil naging isa kang inspirasyon sa kanila upang magtyaga at mag aral din ng mabuti. At sana lalu ka pa i-Blessed ng PANGINOON upang matupad mo lahat pangarap mo., GODBLESS Crystalle Mae Manalo WE [ARE] PROUD OF YOU. WE LOVE YOU."


Source: Noypi Ako
Proud Lola, Isinabit ang Tarpaulin ng Apo na Pumasang Engineer sa Kanilang Tagpi-Tagping Bahay! Proud Lola, Isinabit ang Tarpaulin ng Apo na Pumasang Engineer sa Kanilang Tagpi-Tagping Bahay! Reviewed by pinoyako on May 28, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close