BREAKING NEWS

Pulis sa Ifugao, Kinupkop ang Lolang 90-Anyos Dahil walang Makain Matapos Iwan ng mga Anak



Isang Pulis sa Ifugao ang kinupkop ang isang Lola na may Edad na 90-anyos dahil mag-isa na lamang umano ito sa buhay at walang makain.

Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari at patuloy na nangyayari ngayon sa lipunan ay ang pag aabandona ng mga iilang walang pusong mga anak at kapamilya sa kanilang mga magulang. Hinahayaan nalang mag-isa sa buhay ng walang nag aalaga.
 


Tila hindi batid ng iilang mga Anak, ang hindi matutumbasan ng kahit ano mang halaga ng pera o ng mga bagay, ang hindi na mabilang na mga pagsasakripisyo at paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapalaki lang sila ng maayos, ay nagagawa padin nilang hayaan nalang ang kanilang magulang.

Kahit pa man sa kasamaan ng iba, may mga mabubuting kalooban padin ang handang tumulong at lingapin ang mga matatandang iniwan na ng pamilya. Katulad nalang ng nakakahabag damdaming aksyon na ginawa ng isang Pulis mula sa Ifugao sa isang 90-na taong gulang na si Lola Aida Paduyao na naminuhay nalang ng mag-isa at hindi na makayanan pang maghanap ng kanyang makakain sa arawa-araw.
 


Ang kabutihang loob na ginawa nila kay Lola ay parte ng “Adopt a Family” program na inilunsad ng Ifugao PPO, at patuloy na sinusuportahan ng ating mga matitikas ngunit may mga malalambot na puso para tumulong na kapulisan ng Kiangan Municipal Police Station.
 


Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga. 


May mga iilan man na iba paring ang pagtingin sa mga kapulisan dahil narin sa ibang gumagawa ng masama na nakakasira sa kanilang hanay ay mas madami padin naman ang may mga mabubuting puso para kapwa at sa bayan. 

Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar

Source: Noypi Ako
Pulis sa Ifugao, Kinupkop ang Lolang 90-Anyos Dahil walang Makain Matapos Iwan ng mga Anak Pulis sa Ifugao, Kinupkop ang Lolang 90-Anyos Dahil walang Makain Matapos Iwan ng mga Anak Reviewed by pinoyako on December 19, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close