BREAKING NEWS

Harry Roque, Hinamon si VP Leni Robredo na Solusyunan ang C0VID-19 Pandemic nang walang Bakuna o walang Gamot


Hinamon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque si Vice President Leni Robredo na maglabas ng solusyon kung paano malulunasan ang COVID-19.

Ayon ito ni Roque makaraang sabihin ng Pangalawang Pangulo na hindi sapat ang ginagawang paghihintay lamang ng administrasyon sa COVID-19 vaccine para maibsan ang epekto ng pandemya.



Pahayag pa ni Roque, kung may iba pang alam na solusyon si Robredo ay agad niya itong sabihin dahil baka maging Pangulo pa ito ng bansa.

“Hinahamon ko po si VP Leni. Kung mayroon siyang solusyon na walang vaccine at wala pa ring gamot, sabihin niya po dahil sigurado po baka ngayon din maging Presidente siya kung makahanap siya ng solusyon habang walang bakuna at walang gamot”- saad ni Roque.


Ayon pa sa kalihim, hangga’t wala talagang bakuna o gamot na panlaban sa COVID-19 ay wala talagang solusyon sa pandemyang ito.

Sinabi ng Palasyo na hindi naman nagkukulang ang pamahalaan sa mga ginagawang hakbang upang mapigilan ang transmission ng virus.

Aniya, nandiyan ang mas pinaraming ‘We Heal as One’ centers, mga isolation at quarantine facilities, ang pagkakaroon ng designated COVID-19 hospital at COVID referral hospitals at pagpapalakas sa testing, tracing at treatment efforts.

Source: Noypi Ako
Harry Roque, Hinamon si VP Leni Robredo na Solusyunan ang C0VID-19 Pandemic nang walang Bakuna o walang Gamot Harry Roque, Hinamon si VP Leni Robredo na Solusyunan ang C0VID-19 Pandemic nang walang Bakuna o walang Gamot Reviewed by pinoyako on September 22, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close