PWD, Matyagang Nag-aaral Mag-isa sa Gilid ng Kalsada

Isang lalaki ang nag-aaral ng hugis at numero at nagsasanay magsulat sa gilid ng kalsada kahit sya ay isang palaboy sa lansangan ay nais nitong matuto.
Nagsasanay magsulat si Rhesty Bemida na may edad na 26 sa gilid ng kalsada sa F. Blumentritt sa San Juan, nagsusumikap ito mag-aral ng mag-isa kahit ito ay isang palaboy sa lansangan.
Napag-alaman na si Rhesty pala ay isang Persons with disabilities (PWD) dahil sya pala ay pipi, kahit ganoon ang kanyang sitwasyon ay nagpupursigi pa rin ito matuto kahit sa sarili nyang pamamaraan.
Dahil marami ang naantig sa pagpupursigi ni Rhesty na matuto ay binigyan ito ng mga bagong papel, lapis at notebook na labis na ikinatuwa nito dahil may gagamitin na sya para linangin ang kanyang sarili sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng kanyang sulat at sign language at ipinabatid nito ang kanyang pasasalamat sa mga nagbigay sa kanya ng gamit para sa kanyang kagustuhang matutong magsulat.
Source: Noypi Ako
PWD, Matyagang Nag-aaral Mag-isa sa Gilid ng Kalsada
Reviewed by pinoyako
on
September 21, 2020
Rating:

No comments: