BREAKING NEWS

Rabin Angeles ipinaglaban si Angela Muji; hindi fake ang ‘relasyon’

Rabin Angeles ipinaglaban si Angela Muji; hindi fake ang 'relasyon'
Rabin Angeles, Angela Muji at Zeke Polina

MAY pagkakataon nang ipinaglaban ng Viva Artists Agency (VAA) talent na si Rabin Angeles ang kanyang ka-loveteam na si Angela Muji.

Ito ang inamin ni Rabin nang muling humarap sa members ng entertainment media kamakailan para sa bago nilang drama series sa Viva One, ang “Dating Alys Perez.”

Ayon sa VAA heartthrob, proud siya sa ginawa niyang pagtatanggol at pakikipaglaban para kay Angela pero ayaw na niyang idetalye ito sa publiko.

Kasunod nito, pinatunayan ng RabGel na totoo ang closeness nila at hindi pinipilit para lang pasayahin ang mga fans. Hindi raw peke ang kanilang samahan.

Ani Angela, “Sa amin po kasi, hindi kami napre-pressure sa ganu’ng bagay. Because, what you see is what you get. So, kung ano lang po kami oncam, ganu’n lang po kami.”

Sey ni Rabin, “Hindi po namin pinipilit.” Na sinang-ayunan ni Angela, “Oo. Ayaw po namin ipilit.”

Samantala, ayon kina Rabin at Angela, ang “Dating Alys Perez” daw ang first serious series nila together na very different sa RabGel past projects.

“Hindi na po kami pa-sweet. This time, challenging na po yung gagawin namin dito as nagma-mature na rin yung roles namin,” ani Angela.

Saad ni Rabin, “Mas mabigat po talaga siya, e. Parang iba po yung kaba, kasi mas mabibigat na yung mga eksena. Kaya mas focused po talaga kami sa set ngayon. Parang less kulitan, pero nandiyan pa rin.

“Mas matured na po ito. Dito niyo po kami makikita ni Angela sa mas mature role. Dito sa Dating Alys Perez,” sabi ng aktor.

Dagdag ni Angela, “It’s exciting because this Wattpad series used to be the book that we read as children… not children, siguro pre-teens naman.

“So, nakakakilig lang na dati mong binabasa, ngayon gagampanan mo na. It’s surreal. I really can’t explain the feeling na parang totoo ba? Really ba?” dugtong ng aktres.

Panibagong yugto ng buhay nina Drake Palma at Alys Perez ang matutunghayan sa “Dating Alys Perez”, na mapapanood na simula June 12 exclusive sa Viva One.

Mula sa Wattpad story na umani ng milyon-milyong views, hanggang sa naging patok at pinag-usapang series adaptation, magpapatuloy ang kuwento ng roller coaster na pag-ibig sa “Seducing Drake Palma” series.

Nagbabalik sina Rabin at Angela upang muling gampanan ang papel ng misteryoso ngunit grabe magmahal na si Drake Palma at ang sweet pero palaban na si Alys Perez.

Samantala, si Zeke Polina na ang gaganap bilang knight-in-shining armor ni Alys na si Tripp Palma. Si Zeke ay unang nakilala sa pagganap bilang Ace “Supremo” Craige sa isa pang series ng Viva One na Hell University. 

Ngayon, siya naman ang gaganap bilang Tripp Palma, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Dylan Menor na hindi na muling mapapanood sa serye.

Magsisimula ang “Dating Alys Perez” apat na taon matapos makagraduate si Alys sa Brenford.  Sa paglipas ng panahon, buo na ulit ang kanyang puso at naghilom na sa sakit na dulot ng pagmamahal niya kay Drake Palma. 

Masaya na muli ang dalaga sa piling ng taong mahal niya, at minamahal din siya nang tapat, ang kanyang boyfriend na si Tripp.

Pero sa isang iglap, babalik ang lahat – ang mga alaala, ang sakit, maging ang pagmamahal na matagal nang binaon sa limot dahil sa muling pagdating ni Drake.

Gagawin ni Drake ang lahat upang muling makuha ang pag-ibig ni Alys. At tulad ng dati, muling iinit ang tensyon sa pagitan nina Drake at Tripp dahil sa pag-ibig nila para sa iisang babae. 

Hango sa kuwento ni Ariesa Domingo, o mas kilala bilang Beeyotch, at mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino, muling subaybayan ang mga karakter na minahal ninyo na maghahatid ng panibagong kilig at drama.

Paniguradong mas exciting at paniguradong aabangan mo ang bagong kabanata sa “Drake Palma Series.” Abangan ang “Dating Alys Perez”, simula June 12, with fresh episode every Friday exclusive sa Viva One!

The post Rabin Angeles ipinaglaban si Angela Muji; hindi fake ang ‘relasyon’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Rabin Angeles ipinaglaban si Angela Muji; hindi fake ang ‘relasyon’ Rabin Angeles ipinaglaban si Angela Muji; hindi fake ang ‘relasyon’ Reviewed by pinoyako on June 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close