BREAKING NEWS

Esnyr puring-puri ni Direk Kip Oebanda: Kung ako producer susugal ako

Esnyr puring-puri ni Direk Kip Oebanda: Kung ako producer susugal ako

HINANGAAN ng award-winning director na si Kip Oebanda ang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo dahil sa bagong release nitong high school series na pinamagatang “First Day High.”

Sa pamamagitan ng isang Instagram story, proud ang direktor sa viral and trending series ng content creator-turned-celebrity dahil sa husay ng pagkakagawa nito.

Aniya, “Kung ako sa producers susugal ako ng full length film kay [Esnyr]. Pwedeng gawing next YouTuber filmmaker sya.”

Pagpapatuloy niya, “Gets nya ang edit, music, at cam angles.”

Baka Bet Mo: Esnyr Ranollo nangakong hindi tatalikuran pagiging content creator

Chika pa ni Direk Kip, alam na alam ni Esnyr ang kiliti ng masa at kung paano ito mae-entertain.

“Gets niya ang masa. Siya rin nagsusulat, I know this coz I co-wrote the Heartbreak episode so alam ko paano sya mag-script,” sabi pa niya.

Kaya naman hinikayat niya na patuloy na suportahan si Ensyr at huwag piratahin ang series niya sapagkat talagang ibinuhos nito ang kanyang talent, skills, at tyinaga talagang ng content creator ang mai-produce ang kanyang series.

Well, true naman talaga na magaling ang ipinakita ng content creator at bukod pa rito, umapaw rin ang suporta sa kanya ng mga kaibigan sa industriya dahil star-studed ang kanyang pagbabalik series. 

Kabilang sa mga tampok na artista ay sina Vice Ganda, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Mika Salamanca, Empoy, Will Ashley, Jeremiah Ong, Mimiyuuh, at marami pang iba.

Matatandaang naunang nakilala si Esnyr sa social media dahil siya ang nasa likod ng mga video na nagtatampok ng mga classic na eksena mula sa high school. 

Ilan sa mga sumikat na karakter niya ay sina “Precious,” “Ma’am Castro,” “Charlotte,” “Balong,” at “Andrei”, at marami pang iba.

The post Esnyr puring-puri ni Direk Kip Oebanda: Kung ako producer susugal ako appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Esnyr puring-puri ni Direk Kip Oebanda: Kung ako producer susugal ako Esnyr puring-puri ni Direk Kip Oebanda: Kung ako producer susugal ako Reviewed by pinoyako on June 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close