BREAKING NEWS

Subpoena kay Bato dela Rosa hindi tinanggap ng Senate staff

Subpoena kay Bato dela Rosa hindi tinanggap ng Senate staff

ISINILBI ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Senado ang subpoena para kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ngayon umaga, May 11.

Sinabi ni Police Capt. Larry Rey, isang chief investigator sa PNP-CIDG, na tumanggi ang staff ni dela Rosa na tanggapin ang subpoena.

Ikinatuwiran ng staff ng senador na walang utos sa kanila ang senador hinggil sa subpoena.

Ngunit sinabi ni Rey na maikukonsidera nang naisilbi ang subpoena dahil iniwan nila ito sa tanggapan ng senador.

Baka Bet Mo: Robin kay Bato sa umano’y arrest warrant: Huwag ka nang magpakita!

Unang inanunsyo ni Interior Sec. Jonvic Remulla na ang subpoena kay dela Rosa ay paghiling ng kooperasyon ng senador sa pag-iimbestiga sa diumano’y “extra judicial killings,” kasabay ng kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

Bukod kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang din sa mga sinampahan ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) si dela Rosa.

Hindi na ito pumasok sa Senado simula noong nakaraang Nobyembre 10 at ito ang ugat ng ethics complaint laban sa kanya sa Senate Ethics Committee.

The post Subpoena kay Bato dela Rosa hindi tinanggap ng Senate staff appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Subpoena kay Bato dela Rosa hindi tinanggap ng Senate staff Subpoena kay Bato dela Rosa hindi tinanggap ng Senate staff Reviewed by pinoyako on May 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close