Shuvee Etrata inialay pagrampa sa Santacruzan sa mga kababaihang breadwinner
INIALAY ng Kapuso actress at host na si Shuvee Etrata sa lahat ng matatapang at mapagmahal na kababaihan ang pagrampa niya sa isang Santacruzan kamakailan.
Si Shuvee ang napiling “Reyna delas Flores” sa naganap na bonggang sagala sa Sta. Maria, Bulacan kasama ang ilan pang naggagandahang Bulakenyo.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Shuvee ang ilang litrato na kuha sa naturang Santacruzan suot ang OOTD niyang white Filipiniana.
Mababasa sa caption ang mensahe niya para sa lahat ng babaeng patuloy na lumalaban sa buhay kasabay ng pagpapakita ng kabaitan at malasakit sa kapwa.
“Maraming Salamat, Sta. Maria. Bulacan!
“As this year’s Reyna de las Flores in the Santacruzan of Sta. Maria, Bulacan, I dedicate this moment to all the women who carry love, strength, and sacrifice so gracefully every day,” ang simulang bahagi ng kanyang mensahe.
Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress, “Happy Mother’s Day to all the mothers, breadwinners, ates, and women with motherly hearts.
“Some of us became strong not because we wanted to, but because life called us to be. And despite everything, we still choose to nurture, provide, protect, and love.”
“Today is for every woman silently carrying so much with grace,” ang buong message ni Shuvee.
Napapanood ngayon ang aktres sa pinakabagong Kapuso Prime series na “The Master Cutter” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Max Collins, Jo Berry, at Paolo Contis.
Kasama rin sa cast sina Tonton Gutierrez, Joey Marquez, Polo Ravales, Ketchup Eusebio, Max Eigenmann, and Rio Locsin, alongside Sparkle’s own Charlie Fleming, Prince Carlos, at Anthony Constantino.
This is directed by Dominic Zapata at napapanood na sa GMA 7 after “24 Oras.”
The post Shuvee Etrata inialay pagrampa sa Santacruzan sa mga kababaihang breadwinner appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 13, 2026
Rating:

No comments: