EXCLUSIVE: Guests nina Bea-Vincent sa kasal tila naguguluhan: canceled o postponed?
NAGUGULUHAN umano ang ilang artistang imbitado sa nalalapit na kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co dahil sa dalawang magkakaibang official statement.
Ang isa ay nagsasabing postponed ito at isa namang nagsasabing canceled na ang naturang special day.
Sa totoo lang ni minsan ay hindi kami nagsulat simula nang maglabasan ang mga balitang hindi na tuloy ang kasal dahil hindi tanggap ni Bea ang Traditional Chinese marriage customs na gustong mangyari ng pamilya ni Vincent.
Nagtataka lang kami kung kanino at saan galing ang mga ito?
Baka Bet Mo: Bea Alonzo inatrasan ang kasal dahil sa 3 ‘Chinese rules’ umano, true kaya?
Wala kaming first-hand information tungkol dito kaya minabuti naming manahimik, magbasa, at abangan ang mga susunod na kabanata.
Anyway, going back sa ilang artistang naguguluhan ay kanya-kanya na silang tawagan sa mga kakilalang imbitado rin sa kasal nina Bea at Vincent kung nakatanggap din sila at oo nga raw.
Ang official statement na natanggap ng ilang artistang imbitado ay ito ang mensahe:
“Hi everyone, we would like to let you know that Bea and Vincent’s wedding has been postponed to a later date. We will share updated details with you as soon as they become available. Thank you very much for your understanding and continued support.”
At ang isa pang statement na galing sa kampo ni Bea na ayaw banggitin sa amin ng aming kausap kung sino sa kampo ng aktres.
Pero ito ang nilalaman naman ng statement:
“Hi, I’m messaging on behalf of Bea. We sincerely apologize for the sudden notice, but unfortunately, the wedding has been canceled.
“We understand that many of you made time, effort and arrangements to celebrate this special day with them and we are truly sorry for the inconvenience and disappointment this may cause.
“Bea is currently on a flight right now, but she will personally reach out and message everyone as soon as she lands. We kindly ask for understanding and prayers for her during this difficult time.
“Thank you so much for your understanding.”
Kung hindi kami nagkakamali ay aabot sa mahigit 125 guests ang bisita nina Bea at Vincent sa kasal nila at lahat sila ay ganito ang natanggap, dalawang version ng official statement.
Tinanong namin ang mga artistang naka-tsikahan namin kung kanino galing ang statement na canceled at postponed na binanggit din naman sa amin, pero mas mabuting hindi na lang namin ilabas para both sides ay protektado.
Ano nga kaya ang totoo, abangan ang susunod na kwento ng aming sources.
The post EXCLUSIVE: Guests nina Bea-Vincent sa kasal tila naguguluhan: canceled o postponed? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 13, 2026
Rating:

No comments: