Alvin Aragon sinopla ng fans ni Vice: Banal-banalan, judgmental naman!
NIRESBAKAN ng madlang pipol ang aktor at social media personality na si Alvin Aragon dahil sa panghuhusga nito sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.
Tinalakan ni Alvin si Vice dahil sa pagbibigay ng payo sa mga magulang. Diretsahan nitong sinabihan ang TV host-comedian na wala itong karapatang mag-advice sa mga mag-asawang dumaraan sa mga pagsubok.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Alvin ang artcards kung saan mababasa ang pagsagot niya sa mga payo ni Vice about parenting.
“Hindi lisensya ang Same Sex Marriage nyo ni Ion para magbigay ka ng mga payo, kasabihan, tungkol sa mundo ng buhay Mag Asawang tunay na lalaki at tunay na babae at tungkol sa Mundo ng mga Magulang na tunay na mga lalaki at tunay na babae,” pambebengga ng asawa ng dating SexBomb member na si Izzy Trazona.
Baka Bet Mo: Alvin Aragon pinalagan parenting advice ni Vice Ganda: Sino ka?
Pagpapatuloy niya, “Hindi ka naging/magiging tunay na wife, Hindi ka kahit kelan magiging tunay na nanay.
“Kaya wala kang karapatan na magsalita na kahit ano tungkol sa buhay mag asawa ng mga tunay na lalaki at babae at buhay magulang ng mga tunay na lalaki at babae,” hirit pa niya.
“Kahit kelan hindi kayo nararapat at kahit kelan hindi maaaring mabago ang orihinal na gawa ng Diyos sa pamilya.
“Lalaking asawa at Babaeng asawa ang magpapalaki sa isang Sanggol na nabuo dahil sa pinagsamang SpermCell and Eggcell na ginawa ng Diyos,” ang buong pahayag ni Alvin.
Sinundan pa niya ito ng mga hashtags na #GetadvicefromtheBIBLE at
#Notfromgays.
Narito naman ang post ng mga nagtanggol kay Vice.”Mas hindi lisensya na ginagamit mo ang religion na gaya namin pero to mock at siraan ang iba at turuan na itakwil ng asawa mo yung anak nya hindi na yan faith nagiging masama na outcome ng pananampalataya mo.”
“Hindi rin naman lisensya ng isang dating naligaw ng landas at nalulong sa ipinagbabawal na gamot ang magbigay ng payo kung Ano ang TAMA at MALI pero isa lang ang totoong tama sa itinuro ng DIOS, ‘ang matotong RUMISPETO at igalang ang KAPWA.’ Huwag mong sirain ang taong madami ng kabutihang nagawa sa kapwa at hangad lang na BUMUO ng isang pamilya.
“Manahimik kn lang kung wala ka namang ambag sa lipunan! Hindi na issue ang BIBLE dito kc yon ang totoo na ang LALAKI ay para sa BABAE at ang BABAE ay para sa LALAKI. Ang issue ay pano magpakatao sa KAPWA tao at gumawa ng mabuti. Ayaw mo bang mabuhay sa mundong tahimik at may pagmamahal sa kapwa?”
“Wala sa kasarian Ang pagiging magulang tinuro ba sau ng dios na maging ganyan ugali mo para sa kapwa mo tao ano man Ang kasarian ng Isang tao pwede maging magulang.”
“Bihira ang taong tulad ni Bro Alvin Aragon. Walang takot itama ang mga kinasanayang mali ng mga tao. Bihira ngayon ang mga taong may tibay at lakas ng loob na kontrahin ang mga maling paniniwala. Kahit maraming nagbabash kay bro Alvin ay di nya ito inaalintana. Sabi nga sa bible, we are here to please God, not Men.”
“TO ALVIN ARAGON! Respectfully, marriage, love, parenting, and wisdom are not measured only by gender or sexual orientation. Being kind, faithful, responsible, and capable of giving sincere advice are qualities that any human being can have.”
“Hindi porket iba ang paniniwala o identidad ng isang tao ay wala na siyang karapatang magsalita tungkol sa pagmamahal, relasyon, o pamilya. Maraming heterosexual couples ang hindi rin perpekto, at marami ring LGBT individuals ang may kakayahang magmahal, mag-alaga, at magbigay ng mabuting payo base sa kanilang experiences and humanity.”
“God teaches love, compassion, humility, and respect , not hatred and discrimination. Hindi kailangan magkasundo ang lahat, pero sana matuto tayong rumespeto ng dignidad ng bawat tao.”
“You can stand for your beliefs without invalidating someone else’s existence. Faith should guide people toward understanding, not toward hurting others.”
“Idol ko na tong si Alvin. Si vice kase Minsan sumusobra narin e dapat alam nya limitations nya, pinipilit nya mnsan mga ideas nya kahit na mali. Lalo na ung gender nya na nakabase sa feelings nya.”
“Mas mahirap yung banal banalan tapos nanghuhusga sa kapwa!”
“Kahit sagutin ni vice ganda to pareho parin ang sagot, hnd prin xa babae. Tama ang mga sinabi mo. Doon sa mga nagsasabing wala sa kasarian ang pagiging nanay imulat mo ang iyong mata baka hnd mo alam ang kaibahan ng lalake at babae.”
“Nakakatakot yung sobra mong pag gamit sa salita ng Diyos. Sa likod kasi nyan yung kasamaan mo.”
The post Alvin Aragon sinopla ng fans ni Vice: Banal-banalan, judgmental naman! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 13, 2026
Rating:

No comments: