Kitty Duterte, Vic Singson naglaplapan sa Bora, nagpalitan ng ‘I love you’
BUMANDERA sa social media ang “kissing” photo ni dating Presidential daughter Kitty Duterte at Ilocos Sur Sangguniang Panlalawigan member Vic Singson.
Mismong ang apo ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang nag-post sa Instagram ng mga pictures nila ni Kitty na kuha sa pagbabakasyon nila sa Boracay.
Sa ilang photos, makikita sina Kitty at Vic kasama ang kanilang mga kaibigan. Dito nakahawak pa ang dalaga sa dalawang braso ni Vic.
Mapapanood naman sa isang video na ipinost ni Kitty ang magkaakbay na paglalakad niya sa dagat kasama si Vic habang palubog na ang araw.
At sa isang Instagram post nga ni Vic, makikita ang halikan nila ni Kitty habang karga niya ito. Mababasa sa caption, “Haven’t been posting much.”
Nagkomento naman dito ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng, “I love you!” na nireplayan din ni Vic ng, “I love you!”
Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa kissing scene ng magdyowa.
“LORD please protect this couple at all costs keep their love strong, pure, lasting and may YOU cover their relationship with love, peace and protection.”
“Favorite couple.”
“Stay strong sa inyo.”
“Love you both!”
The post Kitty Duterte, Vic Singson naglaplapan sa Bora, nagpalitan ng ‘I love you’ appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 13, 2026
Rating:

No comments: