BREAKING NEWS

Napurnadang Bea Alonzo-Vincent Co wedding hindi lang prenup ang dahilan

Napurnadang Bea Alonzo-Vincent Co wedding hindi lang prenup ang dahilan 

HANGGANG ngayon ay wala pa ring inilalabas na official statement sina Bea Alonzo at Vincent Co kung totoong kanselado na ang kanilang kasal.

Bukas, May 14, nakatakda sana ang wedding ng engaged couple na magaganap daw sa Spain pero may mga naglabasan ngang balita na hindi na ito matutuloy dahil sa isyu ng prenuptial agreement.

Hindi umano pumayag si Bea sa ilang kagustuhan ng mga magulang ni Vincent na idinagdag sa napagkasunduan nilang prenup kaya nagkaroon sila ng problema.

Pero gaano katotoo ang usap-usapan ngayon sa showbiz at business circles na hindi lamang umano prenup agreement ang dahilan sa pagkansela sa kasal ng dalawa.

Baka Bet Mo: Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co sa Spain hindi na tuloy ayon sa isang source

Base sa ulat ng Bilyonaryo⁠, may mga insider o “babblers” na nagsabing lumala umano ang tensyon dahil sa impluwensiya ng ilang taong malapit kay Bea.

Sinasabing may ilang tao sa paligid ng aktres na nag-aalala na kapag nagpakasal at bumuo na ito ng pamilya, maaaring magbago ang kanyang mga prayoridad at maapektuhan ang direksiyon ng kanyang showbiz career.

Ang chika, desidido na talaga sina Vincent at Bea na ituloy ang kanilang kasal, ngunit naging sanhi raw ng hindi pagkakaunawaan ang madalas na pakikialam ng mga taong nakapaligid sa Kapuso actress.

Ayon pa sa ulat, ang tinitingnan umano ng ilang taong malapit kay Bea ang posibilidad na pansamantalang paglayo ni Bea sa showbiz bilang isang threat sa aspetong pinansyal at propesyonal.

Binanggit din sa report na matapos ang halos isang taong pagkawala sa spotlight, naghahanda na umano si Bea para sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, kasabay ng muling pag-usbong ng usapin tungkol sa naudlot nilang wedding preparations ni Vincent.

Samantala, nagulat umano ang kampo ni Vincent sa matinding pagtutok ng publiko sa isyu ng prenup, dahil kung tutuusin ay normal lang daw ang ganitong kasunduan bilang proteksiyon sa pananalapi para sa mga kilalang business families.

Ngunit ayon sa report, posibleng mas malalim pa umano ang naging problema kaysa legal documents at pera, at maaaring may kinalaman din sa impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa relasyon at sa kani-kanilang interes.

The post Napurnadang Bea Alonzo-Vincent Co wedding hindi lang prenup ang dahilan appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Napurnadang Bea Alonzo-Vincent Co wedding hindi lang prenup ang dahilan Napurnadang Bea Alonzo-Vincent Co wedding hindi lang prenup ang dahilan Reviewed by pinoyako on May 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close