BREAKING NEWS

Premyadong direktor suko na sa katrabahong producer-direktor, anyare?

Premyadong direktor suko na sa katrabahong producer-direktor, anyare?

MUKHANG una at huling pagtatrabaho na ng premyadong direktor at producer-direktor sa isa’t isa.

Kilalang mabait ang premyadong direktor na nakatrabaho ng mga sikat na artista at off-camera naming nakaka-tsikahan sila ay iisa ang puri nila sa kanilang direktor, “napaka-cool at generous bukod pa sa collaborative.”

Ang producer at direktor naman ay halos iisa rin ang komentong narinig namin mula sa mga nakatrabaho niya, “magulo kausap, hindi alam ang gagawin, mabagal, hindi swak ang mga suggestions, feeling magaling.”

Nakatingin lang kami ng diretso sa mata ng aming kausap na premyadoing direktor dahil parang pagod na pagod na siya gayung kakasimula pa lang halos ang pelikulang sinu-shoot niya.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan naging Noranian dahil sa pag-iyak ni Ate Guy sa kaliwang mata

At dahil ayaw na lang makipag-argue ng premyadong direktor sa mga gustong mangyari ng direktor-producer ay hindi na lang siya kikibo dahil hindi nagpapatalo ang huli.

Oo nga ipipilit ang gustong mangyari ng direktor-producer kahit malayo sa kwento, gawan daw ng paraan.

Natawa kami pero sa totoo lang feeling magaling nga ang direktor-producer pero in fairness ang dami niyang nakukuhang proyekto kasi nga nagsimula siya dati bilang artista kaya maraming tsika.

Sabi namam ng premyadong direktor, “Tapusin ko lang ‘tong na-oohan ko tapos exit na ako.”

The post Premyadong direktor suko na sa katrabahong producer-direktor, anyare? appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Premyadong direktor suko na sa katrabahong producer-direktor, anyare? Premyadong direktor suko na sa katrabahong producer-direktor, anyare? Reviewed by pinoyako on May 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close