Robin Padilla sinabing ‘di importante ICC warrant vs Bato: Stupid
DIRETSAHANG sinabi ni Sen. Robin Padiila na walang halaga para sa kanila ang inihaing warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa naging panayam ng senador sa media nitong Martes, May 12, inilahad niyang hindi nila napag-usapan ng kaibigang senador ang arrest warrant.“Hindi namin napag-uusapan, sa totoo lang,” saad ni Robin.Pagpapatuloy niya, “Kasi para sa amin, hindi importante sa amin ‘yon e. Para sa amin, hindi valid ‘yon,” giit pa niya.
Baka Bet Mo: Robin Padilla itinuring na ‘bayani’ si Rodrigo Duterte
Chika pa ni Robin, mas mababahala sila kung ang naturang arrest warrant ay mula sa ating bansa.
“Kung warrant ‘yon galing sa Pilipinas,’yon mababahala kami. Pero kung warrant sa ibang bansa, stupid,” sabi pa ng senador.
Matatandaang kinagabihan ng Lunes, May 11, kinumpirma ng ICC ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa senador kaugnay sa kasong crimes against humanity.
Samantala, ibami naman ni Robin na sinamahan niya si Bato sa Senado buong gabi.
Amin pa niya, nakatulog nang maayos ang senador.
“Wala naman, nagkukuwentuhan lang kami kung ano ‘yong mga kinakain niya doon sa bundok,” kuwento niya.
The post Robin Padilla sinabing ‘di importante ICC warrant vs Bato: Stupid appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 12, 2026
Rating:

No comments: