BREAKING NEWS

Joshua Garcia inakalang ‘nililigawan’ ni Ivana: Ang hilig magpakain! 

Joshua Garcia inakalang 'nililigawan' ni Ivana: Ang hilig magpakain! 
Ivana Alawi at Joshua Garcia

IBINUKING ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang ilang katangian ng leading lady niya sa seryeng “Love Is Never Gone” na si Ivana Alawi.

Nakachikahan ni Bianca Gonzalez si Joshua sa latest episode ng talk show na “The B Side” at dito nga nila napag-usapan ang tungkol kay Ivana.

“What was it like naman working with Ivana?” ang question kay Joshua ng Kapamilya host.

“She’s very generous. Hindi lang sa acting kundi sa lahat. Ang hilig niyang magpakain. Ang dami niya laging pakulo,” sagot ni Joshua.

Dugtong pa niya, “Minsan, may mag-aabot na lang sa akin. Sabi ko, ‘Ano ‘to?’ May bigay siya sa akin na long-sleeved at jogger pants. 

“Mahilig siyang magbigay ng gift. ‘Nanliligaw ba ‘to?’ Joke!” ang natatawang sey pa ng binata.

Alam naman ng madlang pipol na crush na crush ni Ivana si Joshua. Ibinandera pa nga niya ang naramdamang kilig nang makatanggap ng birthday greeting mula sa aktor noong August, 2021.

Nabanggit din ni Joshua na bet niyang jowain si Ivana nang sumabak siya sa “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” ng Tulong sa Pag-ahon program ng ABS-CBN noong 2022.

Pero mukhang walang pag-asa sa ngayon na maging magdyowa ang dalawang bida ng “Love Is Never Gone” dahil very much in love si Joshua kay Emilienne Vigier.

The post Joshua Garcia inakalang ‘nililigawan’ ni Ivana: Ang hilig magpakain!  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Joshua Garcia inakalang ‘nililigawan’ ni Ivana: Ang hilig magpakain!  Joshua Garcia inakalang ‘nililigawan’ ni Ivana: Ang hilig magpakain!  Reviewed by pinoyako on May 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close