PNP tali pa mga kamay sa arrest warrant ng ICC laban kay Bato
HINDI pa makakilos ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa inilabas na pahayag, naghihintay pa ang pambansang pulisya ng direktiba mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay sa utos ng ICC na arestuhin ang senador.
Baka Bet Mo: Robin Padilla kay Bato dela Rosa: Huwag kang susuko!
Sinabi pa ng PNP na ang kanilang pagkilos ay base sa mga umiiral na batas, tamang proseso at tamang koordinasyon sa mga ahensya, bukod sa ayon dapat sa pandaigdigang mekanismo.
Ayon kay PNP spokesman, Brig. Gen. Randulf Tuaño kabilang sa kanilang dapat sundin ang makipag-koordinasyon sa National Central Bureau, ang tagapamagitan sa Philippine authorities at sa Interpol, gayundin sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC).
Kahapon, tinangka ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), kasama si dating Sen. Antonio Trillanes IV, na isilbi kay dela Rosa ang arrest warrant sa Senado.
Inilagay si Dela Rosa sa “protective custody” ng Senado.
The post PNP tali pa mga kamay sa arrest warrant ng ICC laban kay Bato appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 12, 2026
Rating:

No comments: