Miss Universe PH 2026 finalists may international titles na!
NABIGYAN na ng national titles at international assignments ang naging finalists ng 2026 Miss Universe Philippines pageant!
Sa isang bonggang coronation ball nitong Linggo ng gabi, May 10, opisyal nang kinoronahan ang mga bagong reyna sa ilalim ng The Miss Philippines, sister brand ng national pageant ng Empire Philippines.
Mula sa Miss Supranational Philippines crown ni Katrina Llegado, pormal nang pumalit si Allyson Hetland.
Samantala, si Ysabella Ysmael naman ang bagong Miss Cosmo Philippines matapos koronahan ni Miss Cosmo runner-up Chelsea Fernandez, kasama pa si reigning Miss Cosmo Yolina Lindquist ng United States.
Baka Bet Mo: Bea Millan-Windorski ‘celebrity crush’ si Michelle Dee: ‘Just amazing woman!’
Sa Miss Eco International Philippines, si Jenrose Javier ang bagong reyna matapos koronahan ni Alexie Brooks at Gabriella Carballo.
Habang si Apriel Smith naman ang Miss Charm Philippines, kasama si Anna Blanco ng Venezuela at Cyrille Payumo sa coronation moment.
Bukod diyan, may dalawang bagong major titles pa ang ibinandera: Nicole Borromeo bilang Miss Worldwide Philippines at si Marian Arellano ang Miss Tourism Worldwide Philippines.
Maysurprise din sa younger queens, kung saan si Catherine Wardle ang tinanghal na Miss Teen Universe Philippines, habang si Trexy Paris Roxas ang bagong Miss Eco Teen International.
Ayon sa organizers, ang mga titles na ito ay may kasamang international duties.
Ang ibig sabihin, dadalhin nila ang bandera ng Pilipinas sa iba’t ibang global pageants!
Si Hetland ay sasabak sa Miss Supranational, habang si Javier ay maghihintay pa ng isang taon bago lumaban sa Miss Eco International 2026 dahil kasalukuyan pang naghahanda si Carballo para sa Egypt stint.
Samantala, si Ysmael at Smith ay inaasahang susubok maging first-ever Philippine winners ng Miss Cosmo at Miss Charm titles.
Si Borromeo naman ay sa Miss Worldwide, habang si Arellano ay sa Miss Tourism World.
Si Wardle sa Miss Teen Universe at si Roxas sa Miss Eco Teen International.
At sa mga hindi aware, first time sa kasaysayan ng Miss Philippines na may coronation ball format para sa awarding ng queens.
Kung matatandaan, ang main coronation night ng Miss Universe Philippines 2026 ay ginanap noong May 2 sa Pasay City, kung saan si Bea Millan-Windorski ng La Union ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2026 matapos talunin ang 49 na kandidata.
The post Miss Universe PH 2026 finalists may international titles na! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 10, 2026
Rating:

No comments: