Lie Reposposa, Paul Mardsen hindi nagkahiwalay, netizens na-prank
MUKHANG na-prank ang madlang netizens sa paniniwalang naghiwalay na ang dating “Pinoy Big Brother” teen housemate na si Lie Reposposa sa kanyang afam fiancee na si Paul Mardsen.
Matatandaang kamakailan lang nang maisulat namin dito sa BANDERA na matapos ang ilang taon nilang pagsasana ay naghiwalay na ang dalawa.
Ito ay base sa post ng dyowa ni Lie na, “Thank you for being my peace and my safe place.
You helped me stand up when I was down. But every story has an ending, and ours ends here. Thank you for the memories, they will stay forever.”
Kalakip ng naturang post ay ang mga larawan nila together.
Baka Bet Mo: Lie Reposposa hiwalay na sa British fiancé na si Paul Joshua Marsden, anyare!?
Ngunit isang araw matapos ang post ng dyowa ni Lie ay ang pagpo-post naman niya ng birthday greeting para sa binata.
Kasunod nito ay ang isang TikTok dance video kung saan makikita silang magkasamang nagsasayaw.
Nag-post rin ang binata ng larawan nila ni Lie kung saan kinumpirma niyang patuloy pa rin ang kanilang relasyon.
“April ended, we didn’t,” maikling caption nito sa photo nilang magkasama.
Marami naman sa mga netizens ang masaya dahil patuloy pa rin pala ang relasyon nina Lie at Paul.
Habang ang iba naman ay na-feel na para silang na-prank dahil naging vague ang last post ng binata.
“Hayuffffff!!! Akala ko nag break na talaga kayu , na sad panaman ako ng a little bit pero GOODNESS GRACIOUS ITS A PRANKK hahahaha . Anyways stay strong couple,” saad ng isang netizen.
Comment nanan ng isa, “For the views lang pala …Ang daming na prank.”
“Halata nman hndi naghiwalay..papansin lang for the views,” sey pa ng isa.
The post Lie Reposposa, Paul Mardsen hindi nagkahiwalay, netizens na-prank appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 02, 2026
Rating:

No comments: