Katy Perry bumilib sa version ni Jayda Avanzado ng ‘Thinking of You’: OMG!!!
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang showbiz royalty na si Jayda Avanzado na napansin siya ng international singer na si Katy Perry.
Nag-viral kamakailan ang TikTok video ng anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kung saan ibinandera niya ang kanyang version ng Katy Perry hit na “Thinking Of You.”
Mahigit 10 million views ang nakuha ng video ni Jayda across all social media platforms kaya naman gumawa siya ng “thank you” video para sa lahat ng naka-appreciate sa kanyang performance.
At sa comments section nga ng naturang video nag-iwan ng mensahe si Katy Perry na bilib na bilib sa kanyang boses.
“When I’m listening to my version of Thinking Of You, I am thinking of your version of Thinking Of You,” ang papuri sa kanya ng American singer-songwriter.
Shookt na shookt naman si Jayda nang mabasa ang message ni Katy. Agad-agad siyang nag-post ng reaction video sa TikTok kung saan napaiyak pa siya sa sobrang kaligayahan.
“There’s no way! Oh my gosh, I just woke up and I already wanna cry!” ang pahayag ni Jayda.
“Katy, you don’t know how much it means to me. Thank you so much. I really appreciate you acknowledging my cover.
“You’re one of my biggest influences ever. As an artist, and as a vocalist. It means the world to me, so thank you! Thank you!” sey pa ng singer-actress.
Kung may mga pumuri sa cover ni Jayda ng “Thinking Of You” ay may mga nambasag din sa kanya na nagsabing OA at “airy” ang kanyang vocals lalo na raw ang pagbigkas niya sa ilang lyrics.
Pero sa halip na magpaapekto, sinakyan na lang ni Jayda ang mga ito. In fact, nag-post pa nga siya ng full version ng kanta na may caption na, “Ito na, nakapag-nebulizer na po. Dahil diyan, ito na ’yong full cover.”
The post Katy Perry bumilib sa version ni Jayda Avanzado ng ‘Thinking of You’: OMG!!! appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
May 13, 2026
Rating:

No comments: