BREAKING NEWS

Jennylyn Mercado shookt, biglang binigyan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan

Jennyly Mercado shookt, biglang binigyan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan
Rei Tan at Jennylyn Mercado

SHOOKT ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn ­Mercado nang bigla siyang bigyan ng 18-carat diamond bracelet ng super successful entrepreneur na si Rei Anicoche Tan.

Nangyari ito sa contract renewal ni Jennylyn bilang brand ambassador ng Beautéderm kasama ang founder at CEO nitong si Rei Anicoche-Tan na ginanap sa Solaire Resort North recently.

Nasorpresa ang wifey ni Dennis Trillo nang ibigay sa kanya ni Miss Rei ang bonggang-bonggang bracelet as advanced birthday gift. Magse-celebrate si Jen ng kanyang 39th birthday sa May 15. 

“Hala, ate! Nagbigay ka na nu’ng nakaraan, okay na yon. Thank you, ate!” ang natamemeng mensahe ng award-winning actress kay Miss Rei na kilala rin bilang isang philantropist.

Sey ni Miss Rei, bag dapat ang ireregalo niya kay Jen, pero dahil  nabigyan na raw niya ng bag dati ang kanyang ambassador, nagdesisyon siyang ibigay na lang ang isa sa mga suot niyang bracelet bilang tanda na rin ng kanilang “forever friendship.”

“Sabi ko sa kanya, ‘hindi lab-grown yan, ha.’ Charing! Totoong natural ‘yan. Usually po, mas maganda ‘yung galing sa akin, eh, kasi swerte,” paliwanag ni Miss Rei.

Aniya pa, deserved na deserved ni Jennylyn ang kanyang regalong bracelet dahil bukod sa napakabait na ay napakasipag din nito bilang endorser. 

“Saka kapag tumatagal, mas lalo mong nakikilala ‘yung tao po, kaya ‘yun,” sey pa ng super successful lady boss.

Taong 2018 pa raw sila magkakilala ni Jennylyn pero noong 2024 lamang ito naging kapamilya ng Beautéderm bilang ambassador ng Cristaux product line.

At ngayong 2026 nga ay muling pumirma ng kontrata ang aktres para sa rebranded home scents na Reverie na may anim na variants: Café Aroma, First Embrace, Pure Serenity, First Nostalgia, Lily Lush at Cloud Whisperer.

Proud naman ang aktres na napakarami ring natutulungan si Miss Rei, lalo na sa mga Pampanga-based entrepreneur sa pamamagitan ng iba’t ibang charitable projects. 

Maliban sa pagkakaroon ng maraming scholars, kamakailan lang ay naglunsad din siya ng closet clean-up drive, kung saan ang napagbentahan ay napunta sa libreng pa-gas sa mahigit 600 tricycle drivers, delivery riders at Beautederm employees.

“Kaya minsan kapag nag-e-emote ako, grabe ’no, ang tagal-tagal ko na pala…kaya wala na akong ano, emote-emote sa buhay. Kasi we’re so blessed, eh. 

“Dati-rati kapag may mga bagong lumalabas, parang may konting… siyempre bata-bataan, parang nate-threaten ka, tapos, ’di ba, selos-selosa din ako noon, ‘di ba?

“Ngayon, parang sa mga nami-meet mo kasi sa buhay, mas natututo ka din, mas nagiging understanding ka na, ’di ba, hindi mo basta-basta gini-give up ‘yung friendship n’yo para lang doon, ’di ba?

“Kasi tingnan n’yo ‘yung iba, nawawala. Ang ganda-ganda nu’ng opening tapos biglang nawawala din so… walang-walang competition kahit kanino. Mas maganda na nagtutulungan kami at the same time, ‘yung mga alaga ko, natuturuan ko pa po pa’no magnegosyo.

“Kasi hindi natin alam, parang hindi pa nga talaga tayo nakapag-umpisa nang bongga nu’ng pandemic, meron na namang bagong krisis. Parang mas ramdam ko, especially po nu’ng naging Rotarian ako. Parang nu’ng naging presidente ako (ng Rotary Club ng Balibago), mas naging hands-on ako, eh.

“First time ko talagang magpunta ng barangay last year. Parang dati kasi, nagbibigay lang ako. Ngayon talaga, ako mismo. Nabawasan na rin pagka-maarte ko. Ayoko dating maarawan, eh. Ngayon, ako magga-gasolina, lahat-lahat. Nag-e-enjoy po talaga ako sa charity,” aniya.

Samantala, tungkol naman sa mga nag-iisip na may planong sumabak sa politika si Miss Rei, “Ay, hindi po. Hindi ko po alam, eh. Pero sabi ko nga, ang dami kasing controversies, ganu’n, na parang nadadamay tuloy, ‘di ba, kahit mabuti kang tao, kawawa naman po ‘yung iba. 

“Sa panahon ngayon ng social media, ‘di ba, ‘yung ginagawan ng kwento, kawawa naman ‘yung wala naman talagang muwang. Ang gulo-gulo, hindi mo tuloy alam kung sino ang kaibigan mo. Maya’t maya magkakaibigan sila, the next day, magkakaaway na. So, mas maganda, gitna lang po tayo,” aniya pa.

The post Jennylyn Mercado shookt, biglang binigyan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Jennylyn Mercado shookt, biglang binigyan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan Jennylyn Mercado shookt, biglang binigyan ng 18K diamond bracelet ni Rei Tan Reviewed by pinoyako on May 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close