BREAKING NEWS

Gil Cuerva na-trauma sa pagkalat ng sex video scandal: Stop victim-blaming

Gil Cuerva na-trauma sa pagkalat ng sex video scandal: Stop victim-blaming
Gil Cuerva

NA-TRAUMA ang Kapuso hunk actor na si Gil Cuerva sa pagkalat ng kanyang controversial sex video scandal sa social media.

Ikinalulungkot ni Gil na parang hindi seryoso at tila unfair ang pagtingin ng mas nakararaming Pilipino kapag lalaki ang biktima ng pagkalat ng kanilang private video.

Napasama si Gil sa binansagang “Big Four”, ang unang batch ng mga male celebrity na nasangkot sa pagkalat ng sex video. Ang tatlo pa ay sina Nikko Natividad, Arron Villaflor at Ron Angeles.

Sa isang official statement, kinondena ni Gil ang pagpapakalat ng naturang private video kung saan may kasama siyang isang babae sa kama.

Muling nagsalita si Gil sa isang episode ng podcast na “TRGGRD!” hinggil kinasangkutang kontrobersiya kung saan nagbigay siya ng reakayon tungkol sa “cancel culture” at sa double standard laban sa kalalakihan.

Aniya, mas mabilis ang paghusga ng publiko sa mga lalaking nasasangkot sa mga ganitong klase ng isyu lalo na sa mundo ng showbiz.

Um-agree si Gil sa sinabi ng host ng podcast na si Vince Maristela na mas madaling “ma-cancel” ang mga lalaki kesa sa mga babae.

“Kahit nobody knows the full story, people like to assume agad, you’re painted in a bad light,” sabi ni Gil.

Kahit daw hindi naman talaga kasalanan ng lalaki ay agad pa rin itong huhusgahan at sisisihin ng mga tao. 

“Tapos parang may victim-blaming pa din, e, because we’re guys. Parang ‘Oh ginusto naman ‘yan.’ Parang ‘Di ka kasi nag-ingat,'” aniya pa. 

Maaaring iba ang naging reaksyon ng mga tao kung babae raw ang nalagay sa kaparehong sitwasyon ay mas marami ang makikisimpatya at kakampi sa kanya.

Sa kabila raw ng naranasang trauma sa kinasangkutang isyu,  mas pinili na lang daw niyang manahimik at mag-move on kesa magpaliwanang nang paulit-ulit.

“I handled it with grace and dignity and just moved on with my life,” sey ng aktor.

Sabi pa ni Gil, sana raw ay magsilbi nang warning para sa lahat ang nangyari sa kanya at sa iba pang celebrities para hindi na mabiktima ng mga mapagsamantala.

Nauna rito, nabalitang iniimbestigahan na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang sinasabing organized syndicate na nasa likod ng pagre-record at pagpapakalat ng mga private videos ng mga artista.

The post Gil Cuerva na-trauma sa pagkalat ng sex video scandal: Stop victim-blaming appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Gil Cuerva na-trauma sa pagkalat ng sex video scandal: Stop victim-blaming Gil Cuerva na-trauma sa pagkalat ng sex video scandal: Stop victim-blaming Reviewed by pinoyako on May 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close