BREAKING NEWS

AJ Raval sa pagpanaw ng anak na si Aaron: Bilang isang ina, napakasakit! 

AJ Raval sa pagpanaw ng anak na si Aaron: Bilang isang ina, napakasakit! 
AJ Raval

NAKIUSAP ang aktres at dating Vivamax Queen na si AJ Raval na huwag nang pag-usapan kung ano ang ikinamatay ng anak niyang si Baby Aaron.

Lima ang anak ni AJ, dalawa mula sa dati niyang karelasyon at tatlo naman sa live-in partner niya ngayong si Aljur Abrenica. Si Aaron ang ikalawang anak ng aktres.

Sa muling pagbisita ni AJ sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa kung ano talaga ang dahilan ng kamatayan ni Aaron, pero aniya, “That, Tito Boy, siguro po, sorry po. Yung naramdaman ko na lang po siguro.”

Kaya iniba na lamang muna ng King of Talk ang question at tinanong kung ano ang naging pakiramdam niya sa pagkawala ng anak.

Tugon ni AJ, “Masakit, sobrang sakit. Bilang isang ina, napakasakit. Parang wala pong tamang word kung paano i-describe yung nararamdaman ko noon.

“Pero hindi po siya nawala sa isip ko ever, ever since. Araw-araw, paggising, pagtulog, iniisip ko pa rin,” aniya pa.

“Tuwing Pasko, kapag po namimili kami ng Christmas gifts para sa lahat ng bata, sa mga anak ko, sa mga pamangkin ko, sa lahat po ng bata sa family, si Aaron, hindi po siya nawawalan ng gift. Part pa rin po siya,” emosyonal nang sabi pa ng aktres.

Napaiyak nang tuluyan si AJ nang magbigay ng mensahe para kay Aaron, “Ang masasabi ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. 

“Hindi siya nawala sa isip namin, sa puso, kahit sandaling panahon lamang namin siya nakasama.

“Pagdating ng araw, magkikita rin kami,” lahad pa ni AJ Raval.

Kasama uli ni AJ ang amang si Jeric Raval sa guesting niya sa “Fast Talk” na hindi rin napigilan ang mapaluha habang iniinterbyu ang anak.

The post AJ Raval sa pagpanaw ng anak na si Aaron: Bilang isang ina, napakasakit!  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
AJ Raval sa pagpanaw ng anak na si Aaron: Bilang isang ina, napakasakit!  AJ Raval sa pagpanaw ng anak na si Aaron: Bilang isang ina, napakasakit!  Reviewed by pinoyako on May 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close