BREAKING NEWS

Agot Isidro sa mga bumoto kay Cayetano: 13 Satanas sa Senado!

Agot Isidro sa mga bumoto kay Cayetano: 13 Satanas sa Senado!

MATAPANG na naglabas ng galit ang aktres na si Agot Isidro laban sa 13 senador na bumoto para mapatalsik si Sen. Tito Sotto bilang Senate President.

Ang pumalit sa pwesto ni Tito Sen ay si Sen. Alan Peter Cayetano na agad tinanggap ang posisyon sa gitna na umiinit na usapin hinggil sa impeacment case ni Vice President Sara Duterte.

Hayagang tinawag ni Agot na “13 Satanas sa Senado” sa kanyang post sa X ang mga mambabatas na pumanig kay Cayetano.

Baka Bet Mo: Tito Sotto sinipa bilang Senate President, pinalitan ni Alan Cayetano

“I have ducking NO respect for these 13 hooligans who call themselves Senators of the Philippines. DUCK YOU,” ang pahayag ni Agot.

Sa sumunod niyang hugot, walang habas din binasag ng aktres si Cayetano at sinabihang tigilan na ang pagpo-post ng Bible verses sa social media.

“APC, can you please stop uttering Bible verses kasi sure ako, hindi natutuwa si God sa ’yo. #13SatanasSaSenado,” ang palabang sabi pa ni Agot.

Ang mga senador na bumoto kay Cayetano at sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Escudero, Joel Villanueva, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Christopher “Bong” Go, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Loren Legarda, Mark Villar, at Camille Villar.

Ang mga pumabor naman kay Sotto ay sina Sens. Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Sherwin Gatchalian, at Lito Lapid.

Samantala, nag-react din si Agot sa tangkang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Sen. Bato sa loob mismo ng Senado.

Ito’y kaugnay ng pag-iisyu ng International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant dahil sa umano’y partisipasyon ng dating PNP Chief sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hirit ni Agot, “Just saw the CCTV. We have a runner!!! #BatoDuwag.”

Hinikayat din ng aktres na suportahan ang mga panawagan ng iba’t ibang grupo na panagutin si Vice President Sara Duterte sa mga kasalanan umano nito sa bansa at sa taumbayan.

“Sign the call for due process, impeachment, and constitutional accountability,” ang sabi pa ni Agot kasunod ang link na impeachsaraduterte.com.

The post Agot Isidro sa mga bumoto kay Cayetano: 13 Satanas sa Senado! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Agot Isidro sa mga bumoto kay Cayetano: 13 Satanas sa Senado! Agot Isidro sa mga bumoto kay Cayetano: 13 Satanas sa Senado! Reviewed by pinoyako on May 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close