BREAKING NEWS

Dina Bonnevie kay Ivana Alawi: Akala ko talaga mataray siya! 

Dina Bonnevie kay Ivana Alawi: Akala ko talaga mataray siya! 
Dina Bonnevie, Ivana Alawi at Joshua Garcia

MAKALIPAS ang mahaba-habang panahon, nagbabalik sa ABS-CBN ang award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie.

Ka-join si Ms. D sa cast ng pinakabagong serye ng Kapamilya Network, ang “Love Is Never Gone” mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.

Pagbibidahan ito nina Joshua Garcia at Ivana Alawi mula sa direksyon nina Manny Palo at Jojo Saguin.

Sa grand mediacon at special screening ng “Love Is Never Gone” na ginanap sa Gateway 2 Cinema 11, nabanggit ni Dina na bukod sa kuwento, tinanggap niya ang serye dahil kay Joshua.

“Actually this is my comeback to ABS-CBN. I’m also very happy that I was given this role. I’ve worked with Direk Jojo (Saguin) many times and Direk Manny Palo. 

“I’m very happy to have been offered the role,” ani Dina na ang huli pang teleserye sa ABS-CBN ay “The Blood Sisters” na ipinalabas noong 2018.

“But I really, really wanted to work with Joshua kasi noong napanood ko siya sa movie with Julia (Barretto), sabi ko ‘ang galing ng batang ‘to, gusto kong makatrabaho.’ 

“And then I saw him again sa movie niya with Maricel (Soriano), sabi ko ‘ang galing ng arya nila, ‘yung mahabang-mahaba niyang arya.’ Palakpak talaga ako, ‘ang galing ng batang ‘to,'” papuri pa ni Ms. D kay Joshua.

Samantala, matagal na raw gustong makilala si Ivana, “I wanted to meet her for the longest time kasi nagba-vlog din kaming family, di ba? 

“So, sabi ko, gusto kong ma-meet ‘yung vlogger na ‘yon. But I didn’t expect her to be really warm, akala ko mataray siya. Pero she is so super bait. She’s so loving, very generous,” saad ni Dina.

Na-in love rin daw siya sa karakter niya sa serye as Katarina Verona kaya excited na siyang mapanood ito ng madlang pipol. 

Kasama rin sa cast sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael de Mesa, Epy Quizon, Fyang Smith, JM Ibarra at Ara Mina. 

Exclusively available na sa Prime Video ang “Love Is Never Gone” simula sa May 8.

The post Dina Bonnevie kay Ivana Alawi: Akala ko talaga mataray siya!  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Dina Bonnevie kay Ivana Alawi: Akala ko talaga mataray siya!  Dina Bonnevie kay Ivana Alawi: Akala ko talaga mataray siya!  Reviewed by pinoyako on May 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close