BREAKING NEWS

Vice Ganda sinita gobyerno sa problema ng mga driver: Ano’ng plano n’yo? 

Vice Ganda sinita gobyerno sa problema ng mga driver: Ano'ng plano n'yo? 
Vice Ganda

MULING nanawagan ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa pamahalaan para sa kapakanan ng mga driver sa Pilipinas.

Lantarang sinita at pinangaralan ng TV host-comedian ang mga opisyal ng gobyerno hinggil sa sitwasyon ngayon ng mga namamasadang driver sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakisimpatya si Vice sa mga tsuper ng pampasaherong jeep na naging contestants sa “Laro Laro Pick” segment ng Kapamilya at Kapuso noontime show na “It’s Showtime” last Saturday, April 18.

Ang driver mula Caloocan City na si Ricky ang maswerteng nakapasok sa jackpot round at nakapag-uwi ng P200,000.

Pero bago matapos ang segment, binigyan ni Vice ang iba pang driver ang tig-P5,000, bukod pa rito ang napanalunang nilang tig-P1,000 sa bawat round ng “Laro Laro Pick.”

Sey ni Vice, sana’y makatulong kahit paano sa mga tsuper ang premyo bilang pandagdag sa pambili nila ng gasolina sa gitna ng krisis sa pretrolyo na kinahaharap ng bansa.

Sa isang bahagi ng segment, bago  makuha ang jackpot prize, isang contestant na nagngangalang Hapon mula sa Bicol ang nakapanayam nina Vice.

Ayon kay Hapon, mula sa Bicol ay lumuwas siya ng Maynila para maghanap ng trabaho at masuportahan ang kanyang pamilya sa probinsya.

Ayon kay Hapon, hindi siya  nakatapos ng pag-aaral at ilang taon nang driver ng jeep na biyaheng Cubao-Quiapo.

Nu’ng una ay maganda naman ang kinikita niya, pero nitong mga nagdaang buwan ay hindi na sapat ang kanyang naipadadala sa pamilya mula nang tumaas ang presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East.

Kasunod nito, napilitan siyang huminto sa pamamasada at nakatira na lamang sa lansangan ng Cubao at naging tagabuhat na lamang ng mga bagahe ng mga pasaherong umuuwi ng probinsya.

Nalungkot naman si Vice sa sinapit ni Hapon at naniniwala siya na marami pang tulad ni Hapon na dumaranas ngayon ng matinding hirap at sakripisyo dahil sa oil crisis.

Tulad ng paniniwala ng nakararami, nagbigay man ng tig-5,000 ayuda ang gobyerno sa mga driver hindi ito sapat sa gastusin ng kanilang mga pamilya.

Sabi ni Vice, “Sana lang nanonood ang pamahalaan.

“Marami pong Pilipinong ganito ngayon, nawalan ng trabaho dahil sa taas ng presyo ng gasolina, lalung-lalo na ang mga drivers, sila ang unang tinamaan ng krisis na ito, mga hindi na makapasada.

“Makapasada man, wala naman kinikita. Ang tanong, ano ang plano niyo sa kanila?

“As a private citizen, you can always wish to help, pero hindi naman natin makakayanan lahat, e,” ang pahayag ni Vice.

Patuloy pa niya, “Bata pa lang naman tayo, tumataas na ang gasolina. Alam naman natin na mangyayari’t mangyayari yan.

“Kaya dapat yung pamahalaan, bago pa mangyari yan, nag-iisip na kayo ng mga gagawin niyo kapag nangyari yan.

“Hindi yung kapag nangyari na, taranta kayo, nakanganga, at walang magagawa sa mga naghihirap na mamamayan,” dagdag ni Vice.

Kaya naman tinulungan ni Vice si Hapon na makauwi sa Bicol at binigyan pa ng puhunan para makapagsimula uli.

Mensahe pa ni Vice, “Sa kasalukuyan, ang sitwasyon ng ABS-CBN ay hirap na hirap na rin pero hindi hihinto ang kumpanyang ito sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayang Pilipino. Magdadamayan tayo.”

The post Vice Ganda sinita gobyerno sa problema ng mga driver: Ano’ng plano n’yo?  appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Vice Ganda sinita gobyerno sa problema ng mga driver: Ano’ng plano n’yo?  Vice Ganda sinita gobyerno sa problema ng mga driver: Ano’ng plano n’yo?  Reviewed by pinoyako on April 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close