Cesar Montano walang ‘maintenance’ sa edad 64, anong sikreto?
NASA edad 64 na ang batikang aktor na si Cesar Montano, pero malakas na malakas pa rin ang pangangatawan niya at wala pang iniinom na maintenance na gamot.
Sa isang video interview, proud ibinahagi ng aktor ang kanyang simple ngunit disiplinadong pamumuhay.
“Wala akong maintenance,” sey niya nang tanungin tungkol sa kanyang kalusugan.
Ayon sa aktor, hindi raw kailangan ng komplikadong workout para manatiling healthy at strong.
Baka Bet Mo: Cesar sa pag-amin ni Atong Ang na dyowa si Sunshine: ‘Saludo ako!’
Ang mahalaga raw ay tuloy-tuloy ang paggalaw.
“Nag-e-exercise ako,” sabi niya, pero nilinaw na hindi ito mabigat na gym routine.
Mas pinipili niya ang light exercises tulad ng walking, push-ups, at pull-ups gamit ang simpleng bar na nakalagay sa kanilang bahay.
Para sa kanya, sapat na ang body weight exercises para mapanatiling functional ang katawan.
“Light lang kasi 64 na. Walking lang. Hindi mo kailangan ng heavy weights,” sey ni Cesar.
Isarin sa mas napansin sa kanyang lifestyle ay ang kanyang pagkain.
Ibinunyag niya na ang target routine niya ay one meal a day lamang.
“Kasi healthy ‘yun,” sambit niya.
Paliwanag pa niya, “Kasi before, historically, sa totoo lang, you can research this, isang beses lang kumakain ang tao, kung minsan nagmi-miss pa…Noong 1800, nauso lang ang restaurant, kaya pinakain tayo, tinuruan tayong kumain ng three times a day, which is harmful sa atin.”
Nang tanungin siya kung anong oras siya kumakain, ang sagot niya: “Malapit sa lunch. Minsan a little over sa lunch.”
At simple lang din daw ang kinakain niya, tulad ng isda at gulay kaysa sa karne.
“Hindi ako nagmi-meat. Kung meron, isda at gulay. Minsan pakbet lang, pero walang meat,” dagdag niya.
Iwas din siya sa puting bigas at mas gusto ang black rice.
Isa pa, mahigpit na pinagbabawal sa kanilang bahay ang softdrinks at processed food.
“Bawal ang processed food sa bahay—yung may preservatives. Hindi rin ako kumakain ng junk food, chocolates, at anything na may white sugar,” pagbabahagi niya.
Para sa kanya, mas mahalaga ang natural at sariwang pagkain, lalo na’t may sariling taniman din siya ng gulay tulad ng okra at luyot.
“Actually tinatanim ko pa ‘yan. I love farming,” aniya.
Pagdating naman sa pahinga, binigyang-diin niya ang sapat na tulog.
“Six to eight hours ang tulog ko. Kapag kulang, bumabawi ako sa hapon,” wika niya.
Dahil sa mga ibinunyag ni Cesar, pinatunayan niyang hindi kailangang komplikado ang pagiging healthy.
Para sa kanya, disiplina sa pagkain, simpleng ehersisyo, tamang pahinga, at pag-iwas sa processed food ang susi sa maayos na kalusugan kahit pa nasa senior age na.
The post Cesar Montano walang ‘maintenance’ sa edad 64, anong sikreto? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 20, 2026
Rating:

No comments: